Home » Archives by category » Balita (Page 2726)

The Supremes

Enero 14, 1970 nang idaos ng American pop group na The Supremes ang huli nila pagtatanghal, kasama si Diana Ross bilang miyembro, sa Frontier Hotel sa Las Vegas, Nevada. Si Ross ang pumalit kay Jean Terrell.

MMDA: Yellow Lane policy sa EDSA, mahigpit nang ipatutupad

Maghihigpit sa panghuhuli ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pribadong motorista na gumagamit ng yellow lane sa EDSA simula sa Enero 18.

Pagpasok ni PNoy sa EDCA agreement, pinagtibay ng SC

Kinilala ng Korte Suprema ang kapangyarihan ni Pangulong Aquino na pumasok sa isang executive agreement na may kinalaman sa foreign military bases, alinsunod sa Article 18, Section 25 ng 1987 Constitution.

Senate probe vs. VP Binay, posibleng humupa na—Pimentel

Posibleng matuldukan na ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall Building 2 at iba pang gusali sa siyudad.

Drug den sa QC, sinalakay; 4 arestado

Apat na katao ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos nitong salakayin ang drug den at video karera sa Laloma, Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Tren ng LRT, tumirik

Muling naperwisyo ang libu-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos tumirik ang isa nitong tren sa Blumentritt Station sa Maynila, kahapon ng umaga.

OFW terminal fee, puwedeng i-refund anytime –MIAA

Ilang overseas Filipino worker (OFW) na umaasang mai-refund ang kanilang P550 terminal fee bago ang kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Martes ang nagreklamo sa mahahabang pila sa mga refund counter ng paliparan.

Ikalawang hirit ni Revilla na madalaw si Kuya Germs, sinopla pa rin

Muling nagmatigas ang Sandiganbayan First Division laban sa pangalawang hirit ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na makasilip sa burol ni German “Kuya Germs” Moreno.

Jeep, nasalpok ng tren; 1 patay

Patay ang isang ginang habang lima ang sugatan nang masalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa Paco, Manila nitong Martes ng gabi.

Pastor, patay sa drug bust ng pulisya

Napatay ang isang pastor na itinuturong drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa pulisya sa Sitio Spider, Zone 6, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw.