Home » Archives by category » Balita (Page 2465)

Musicians’ tragedy

Pebrero 3, 1959 nang mamatay ang mga musikerong sina Buddy Holly, J.P. Richardson, at Ritchie Valens matapos bumulusok ang sinasakyang Beechcraft Bonanza plane malapit sa Clear Lake, Iowa, na bumibiyahe patungong Moorhead, Minnesota.

Patuloy na paniningil sa LTO car stickers, pinalagan

Naniningil pa rin umano ang Land Transportation Office (LTO) para sa car sticker sa pagpaparehistro ng mga sasakyan ngayong 2016.

Reklamong kriminal vs 25 anti-SONA rallyist, ibinasura

Ibinasura ng Quezon City Prosecutors’ Office ang reklamong kriminal na isinampa laban sa 25 leader at miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo na umano’y pasimuno sa kaguluhan sa gitna ng demonstrasyon laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong 2014.

Drug money, posibleng gamitin sa eleksiyon—Sotto

Ayon kay Sotto, dapat pagtuunan ng pansin ang problema sa droga dahil hindi na biro ang mga kaso kaugnay sa pagkakasamsam ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa buong bansa.

‘Erap’, patay sa riding-in-tandem

Isang 39-anyos na lalaki, kilala sa palayaw na “Erap”, ang napatay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan sa likuran ng isang pampasaherong jeep sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi.

Bus na umararo sa plastic barrier, dapat panagutin—MMDA

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patawan ng parusa ang driver ng Joanna Jesh Transport Corporation matapos araruhin ang nakahilerang plastic barrier sa bahagi ng southbound EDSA nitong Lunes.

Exclusive village sa Makati City, binulabog ng ‘cat killer’

Palaisipan ngayon sa mga residente ng Dasmariñas Village sa Makati City kung sino ang nasa likod ng serye ng pagpatay sa mga “pusakal” o pusang kalye sa kanilang komunidad.

Babae, patay sa condo unit na sinunog ng ‘Akyat-Bahay’

Patay ang isang 34-anyos na babae nang matupok ng apoy ang isang condominium unit sa Parañaque City na pinaniniwalaang sinunog ng dalawang miyembro ng “Akyat-Bahay” gang.

WHO, nagdeklara ng international health emergency sa Zika virus

Sinabi ng World Health Organization nitong Lunes na isang international health emergency ang pagtaas ng bilang ng serious birth defects sa South America na pinaghihinalaang dulot ng Zika virus.

Economic freedom ng Pilipinas, tumaas

Muling kinilala ang Pilipinas sa tuluy-tuloy na paglago sa kakayahan ng mga mamamayan at mamumuhunan na magmay-ari ng propyedad, kumita, komonsumo ng mga kalakal at serbisyo at magnegosyo, ng isang US-based think tank.