Home » Archives by category » Balita (Page 2398)

Jinggoy, ‘di pinayagang makadalo sa birthday ng ina

Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa selebrasyon ng ika-86 na kaarawan ng kanyang ina na si dating Sen. Loi Ejercito Estrada, ngayong Sabado.

May-ari ng SUV na nakuhanan ng shabu, tukoy na ng MPD

Tukoy na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng may-ari ng isang sport utility vehicle (SUV) na natagpuang abandonado sa Pandacan, Manila, na roon din nadiskubre ang 10 kilong shabu.

Pondo sa depensa, bumubuhos sa South China Sea

Sinabi ng isang ulat mula sa consultancy na IHS Janes na dagdagan ng tumitinding tensiyon sa pinagtatalunang South China Sea ang paggasta sa depensa sa Asia-Pacific region ng halos 23 porsiyento sa pagtatapos ng dekada.

2 magnanakaw ng motorsiklo, patay sa checkpoint

Dalawang kilabot na carnapper na tumangay sa motorsiklo ng isang pulis ang napatay makaraang pumalag sa mga rumespondeng operatiba ng Laloma Police Station sa Quezon City, kahapon ng madaling ng araw.

Aquino, kontra sa hero’s burial kay Marcos, pardon kay GMA

Sa kabila ng pangako na bibigyan si President-elect Rodrigo Duterte ng isang taong honeymoon period, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi siya pabor sa mga plano ng kanyang successor na hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at pagkakaloob ng pardon sa nakadetineng si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Incoming PNP chief, may listahan ng pulis na drug protector

Hawak na ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa ang listahan ng mga opisyal ng pulisya na pinaghihinalaang protector ng droga.

PNoy: Zamboanga siege, pinakamatinding pagsubok na hinarap ko

Ang madugong Zamboanga siege, ang magnitude 7.2 earthquake na yumanig sa Bohol, at ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ang mga tinukoy ni Pangulong Aquino bilang pinakamatitinding hamon sa kanyang administrasyon na hindi niya malilimutan maging hanggang sa kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo 30.

Batang iniwan sa gubat, natagpuang buhay

Isang pitong taong gulang na lalaki, na iniulat na nawawala at isang linggong namalagi sa isang kubo matapos abandonahin ng kanyang mga magulang sa isang gubat na tirahan ng mga oso sa hilagang Japan bilang parusa, ang natagpuang buhay kahapon.

Magna Carta of Day Care Workers, lumusot

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang gagarantiya sa mga karapatan ng day care worker para sa seguridad ng kanilang trabaho, makataong kondisyon at tamang sahod.

Retiradong pulis, iniuugnay sa pagpatay sa kolumnista

Ikinokonsidera na ngayon ng Manila Police District (MPD) ang isang retiradong tauhan ng MPD na “person of interest” sa pagpatay kay Alex Balcoba, Sr., kolumnista ng People’s Brigada, sa Quiapo, Maynila, kamakailan.