Home » Archives by category » Balita (Page 2397)

Gamit sa eskuwela, dapat mura –DepEd

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan na huwag obligahin ang mga estudyante na bumili ng mamahaling gamit pang-eskuwela sa nalalapit na pagsisimula ng klase sa Hunyo 13.

Pagkain ng patatas, may kinalaman sa pagtaas ng presyon

Pagkain ng patatas, may kinalaman sa pagtaas ng presyon

Ang mga taong kumakain ng apat, o mahigit pa, na serving ng patatas kada linggo ay 11 porsiyentong mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng hypertension, kumpara sa mga tao na hindi bababa sa isang serving ang kinakaing patatas kada buwan, ayon sa pag-aaral.

Miriam, dapat mag-concede na—Duterte camp

Upang maiwasan ang constitutional crisis bunsod ng pagkakaantala sa bilangan ng boto sa mga kumandidato sa posisyon ng bise presidente, hinikayat ng mga abogado ni presumptive President Rodrigo Duterte ang kanyang nakatunggali sa pagkapangulo na si Sen. Miriam Defensor Santiago na tanggapin na ang pagkatalo nito sa nakaraang halalan.

Disney dollar, ititigil na

Sinabi ng iconic home ni Mickey Mouse nitong Miyerkules na hindi na ito mag-iimprenta at magbebenta ng kanyang kinagigiliwang currency, ang Disney dollar, na nagbunsod ng buying frenzy sa mga kolektor.

Duterte, nag-sorry kay Trudeau

Sinabi ni incoming president, Davao City Mayor Rodrigo Duterte na humingi siya ng paumanhin kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaugnay sa pagpugot ng mga militanteng Muslim sa isang bihag na Canadian sa lalawigan ng Sulu.

11 state, kakasuhan ang Obama admin

Magsasampa ng kaso ang Texas at 10 pang estado laban sa administrasyong Obama kaugnay sa direktiba sa mga pampublikong paaralan sa U.S. na pahintulutan ang mga estudyanteng transgender na gumamit ng palikuran at locker room na tumutugma sa kanilang gender identity.

Kolong-kolong, na-hit-and-run; 4 sugatan

Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng isang closed van na tumakas makaraang suruin ang isang Rusi motorcycle na may sidecar o “kolong-kolong” sa kalsada ng Barangay Agcano, na grabeng ikinasugat ng apat na sakay nito, umaga nitong Martes.

G7 binalaan vs South China Sea ‘meddling’

Nagbabala ang Chinese state media sa Group of Seven nations nitong Huwebes na huwag makialam sa iringan sa South China Sea, sa pagtitipon ng mga lider ng bloc sa Japan.

10-anyos, nalunod sa outing

Patay ang isang 10-anyos na lalaki makaraang malunod sa swimming pool ng isang resort sa Nasugbu, Batangas.

Retiradong sundalo, natagpuang patay

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang retiradong sundalo na natagpuang may tama ng bala sa binti sa pagkakaupo sa Purok Saniata, Barangay Botbotones, Santa Ignacia, Tarlac.