Home » Archives by category » Balita (Page 2204)
Hackers, ‘di na pinatulan ng AlDub Nation

Hackers, ‘di na pinatulan ng AlDub Nation

EARLY morning ng Martes, November 3, nang i-hack ang Twitter account ni Maine Mendoza aka Yaya Dub ng isang hacking group (huwag na nating pangalanan dahil iyon ang gusto nila, pag-usapan sila) na kilala sa pag-hack o pagsira ng government websites para iparating sa kanila ang mga issue laban sa government officials, isa na sa na-hack nila ang National Telecommunication Commission.

Abaya, Honrado, kinasuhan sa ‘tanim bala’

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado dahil sa umano’y kabiguan ng mga ito na tuldukan ang ‘tanim bala’ extortion scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan sa bansa.

Pistorius, ibabalik sa kulungan

Makikipagdebate ang mga South African state prosecutor sa korte para isakdal si Oscar Pistorius ng murder at maibalik siya sa kulungan, dalawang linggo matapos siyang palayain at isailalim sa house arrest.

3 Romania disco boss, inaresto

Tatlong boss ng isang nightclub sa Romania, na 31 katao ang namatay at halos 200 ang nasugatan sa sunog nitong weekend, ang inaresto nitong Lunes sa hinalang manslaughter.

Egypt crash pilots, nawalan ng kontrol

Ang mga piloto ng Russian passenger jet na bumulusok sa Egypt ay nawalan ng kontrol sa eroplano at hindi tinangka na magkaroon ng anumang radio contact bago ito bumagsak, sinabi ng isang airline official noong Lunes.

TMC, maghihigpit vs overspeeding

Nagbabala si Tollways Management Corporation (TMC) Specialist Francisco Dagohoy sa mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na sundin ang itinakdang speed limit dahil maghihigpit na sila sa paghuli sa mga nag-o-overspeeding.

2 illegal logger, tiklo sa Bantay Kalikasan

Kumilos na naman ang matitinik na illegal logger sa bayang ito, ngunit dalawang tao ang naaresto ng mga tauhan ng San Jose Police at ng task force ng Bantay Kalikasan.

Welder, pinatay sa sementeryo

Agad na namatay ang isang 56-anyos na welder makaraan siyang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin habang abala siya sa pagsasaayos ng puntod sa sementeryo, nitong Oktubre 30.

Mag-amang ‘tulak’, napatay sa drug operation

Isang mag-ama ang namatay sa drug operation makaraang manlaban ang mga ito sa mga tauhan ng T’boli Municipal Police at Regional Police Safety Battalion (RPSB) sa T’boli, South Cotabato.

Palawan, may 3-buwang fishing ban sa galunggong

Simula sa Nobyembre 15 ay ipatutupad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong-buwang ban sa panghuhuli o paghahango ng galunggong sa hilaga-silangang Palawan.