Home » Archives by category » Balita (Page 2032)

May kapansanan sa isip, hinalay, sinaktan ng mag-asawa

Nahaharap ngayon sa kasong rape at physical abuse ang isang mag-asawa sa Sitio Mangga 2, Barangay Matatalaib, Tarlac City matapos umanong halayin ng mister at saktan naman ng misis ang isang 13-anyos na babaeng may kapansanan sa pag-iisip na kalugar nila.

No sa death penalty, yes sa liquor at smoking ban

Kasabay ng mariing pagtutol ng isang obispo na ibalik sa bansa ang death penalty, gaya ng binabalak ni presumptive President Rodrigo Duterte, sinuportahan naman ng isa pang obispo ang plano ng Davao City mayor na magpatupad ng nationwide liquor at smoking ban.

Villar, pinakamayamang senador sa P3.5B

Si Sen. Cynthia A. Villar pa rin ang itinuturing na pinakamayaman sa hanay ng 24 na miyembro ng Senado habang si Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pinakamahirap.

Gordon, nanguna sa consolidated OAV, LAV results

Namayagpag ang independent senatorial candidate na si Richard “Dick” Gordon sa hanay ng 49 na kumandidato sa pagkasenador sa pinagsamang resulta ng overseas absentee voting (OAV) at local absentee voting (LAV), ayon sa ulat ng National Board of Canvassers (NBOC).

Maglolo, kinain ang asong kumagat sa kanila; todas pareho

Patay ang isang maglolo matapos nilang kumain ng kinilaw na karneng aso sa Barangay Alegria sa Alabel, Sarangani, nitong Lunes ng gabi.

Gobyerno, hinimok paghandaan ang La Niña phenomenon

Hinimok ni Senator Loren Legarda ang gobyerno na paghandaan ang La Niña weather phenomenon na inaasahang magdudulot ng malalakas na ulan at malawakang pagbaha sa mga susunod na buwan.

UV Express van, hinoldap sa QC; tirador, kilala na

Natangayan ng mamahaling smartphone ang isang pasahero matapos holdapin ng dalawang lalaki habang sakay sa isang UV Express van sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.

HDO vs Smartmatic officials, ‘di kailangan – Atty. Jimeno

Walang planong lumabas ng bansa ang mga opisyal ng technology provider na Smartmatic kasunod ng nakatakdang imbestigasyon dahil sa pagpapalit ng script sa transparency server noong eleksiyon, nang hindi nagpapaalam sa Commission on Elections (Comelec).

Tree planting, gagawing obligasyon

Tiniyak ng mga mambabatas na ipupursige nilang maipasa sa 17th Congress ang mga panukalang batas na nakabimbin sa Committee on Reforestation, na nagsusulong ng pagtatanim ng mga punongkahoy.

42-anyos na may cancer, nagbaril sa sarili

Dahil sa iniindang cancer, nagawang wakasan ng isang ginang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Pasay City, nitong Lunes.