Home » Archives by category » Balita (Page 1983)

Abu Sayyaf: P1.2-B ransom sa 2 Malaysian hostage

Humiling din ang isang paksiyon ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu, na pinamumunuan ni Al-Habsie Misaya, ng P1.2 bilyon sa pamilya ng dalawang Malaysian bilang kapalit ng paglaya ng kanilang bihag.

‘Pig holiday’ vs smuggling ng manok, baboy, kasado na

Maglulunsad ang grupo ni Congressman Nicanor “Nick” Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) ng limang araw na “pig holiday” bunsod ng patuloy na nagaganap na technical smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Morales, ibinandera ang anti-corruption drive ng ‘Pinas

Ipinagmalaki ng Office of the Ombudsman sa buong mundo ang magandang ibinunga ng kampanya ng administrasyong Aquino laban sa korupsiyon sa gobyerno na umano’y ugat ng kahirapan ng karamihan sa mga Pinoy.

Santong gawa sa ivory, ‘di babasbasan

Mahigpit na ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko ang pagbabasbas ng mga bagong estatwa, imahe o anumang object of devotion, na gawa sa ivory bilang protesta sa poaching.

2016 national budget, BBL, hiniling ipasa na

Muling nanawagan ang Malacañang para sa maagang pagpasa ng 2016 national budget at panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagbabalik ng sesyon ng Senado at House of Representatives ngayong Martes.

Gigi Reyes, pinayagang magpa-dental surgery

Aprubado na sa Sandiganbayan ang mosyon ng dating Chief of Staff ni Senator Juan Ponce Enrile, na idinadawit sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam, na sumailalim sa dental surgery.

Presyo ng galunggong, patuloy sa pagtaas

Halos wala nang isdang galunggong na mabibili sa Navotas at Malabon Fishport, resulta ng direktiba ng Bureau of Fish Aquatic Resources (BFAR) na bawal munang hulihin ang mga nasabing isda sa karagatan ng Palawan.

Bitay sa banyagang sangkot sa droga

Pinaboran sa Kamara ang panukalang nagpapataw ng parusang bitay sa mga dayuhan na napatunayang sangkot sa illegal na droga sa bansa.

RTC judge, kinasuhan ni Delfin Lee

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal, administratibo at disbarment ang isang Regional Trial Court (RTC) judge sa Korte Suprema, base sa reklamo na inihain ng negosyanteng si Delfin Lee, na kasalukuyang nakakulong dahil sa multi-bilyong pisong real estate investment scam.

Suu Kyi sa reporter: Don’t exaggerate

Sinabihan ni Myanmar opposition leader Aung San Suu Kyi ang mga mamamahayag na huwag palakihin ang problema ng bansa, bilang tugon sa isang katanungan tungkol sa Rohingya, ang Muslim minority ng bansa na naninirahan sa Rakhine State sa kanluran.