Home » Archives by category » Balita (Page 1691)

German, tumalon sa bangin sa pagtakas sa BI officers; todas

Isang 66-anyos na German ang aksidenteng nasawi matapos takasan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at mga pulis na aaresto sa kanya sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

11 sa robbery gang, arestado

Labing-isang miyembro ng kilabot na “Acuña Gang”, kabilang ang leader nito na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga at panloloob sa Pampanga, ang inaresto ng mga operatiba ng Angeles City Police Office (ACPO) sa magkahiwalay na operasyon sa Angeles City at Bacolor, iniulat ng pulisya kahapon.

50 probinsiya, dadanas ng tagtuyot—PAGASA

Aabot sa 50 lalawigan ang posibleng maapektuhan ng tagtuyot o dry spell ngayong buwan, dahil na rin sa El Niño na nararanasan sa bansa.

2 trike driver, pinatay ng drug lord; itinapon sa ilog

Itinapon sa dagat ng Navotas ang bangkay ng dalawang tricycle driver matapos silang pagtatagain ng samurai sword o katana ng isang lalaki na hinihinalang drug lord, habang himala namang nakaligtas ang isa pa nilang kasamahan, nitong Huwebes ng gabi.

Ginang, arestado sa baril, shabu

Swak sa kulungan ang isang ginang na umano’y sangkot sa gun running syndicate, makaraang salakayin ang kanyang bahay sa Caloocan City, nitong Huwebes ng umaga.

Hula-Hoop

Marso 5, 1963 nang pagkalooban ng patent ang laruang Hula-Hoop, na sumikat sa United States, para sa mga may-ari ng Wham-O company na sina Richard Knerr at Arthur “Spud” Melin. Mabibili ang mga Hula-Hoop sa halagang $1.98 bawat isa, at aabot sa 100 milyon ang naibenta sa unang taon.

Kabataang Pinoy, nawawalan ng moralidad—Archbishop Cruz

Kumbinsido si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang mababang moralidad at pagkawala ng kulturang Pilipino ang dahilan ng pagtatala ng Pilipinas ng pinakamataas na teenage pregnancy rate sa buong Asia.

Paggamit sa gov’t resources sa kampanya, isumbong sa Comelec

Dapat na isumbong ng publiko sa Commission on Elections (Comelec) ang anumang paglabag sa election rules, kabilang na ang umano’y paggamit sa mga gamit at pasilidad ng gobyerno sa pangangampanya, partikular para sa mga kandidato ng administrasyon.

Nobyo ng pinatay na casino exec, 3 pa, kinasuhan ng murder

Sinampahan na ng kasong murder sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang apat na suspek, kabilang ang nobyo ng pinaslang na 24-anyos na assistant manager ng Solaire Resort and Casino sa lungsod, kahapon ng umaga.

DSWD official, kinasuhan ng sexual harassment

Isang mataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa umano’y seksuwal na pang-aabuso sa isang kapwa niya lalaki na bagitong empleyado sa kagawaran.