Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 266)

Pink diamond, binili ng $28-M

Isang hindi kinilalang Chinese ang bumili ng 16.08-carat vivid pink diamond sa isang auction sa halagang 28.7 million Swiss francs ($28.5 million) kabilang na ang mga bayarin noong Martes, isang record price para sa ganitong tipo ng bato, sinabi ng Christie’s.

Maldives chief prosecutor, sinibak

Lalong lumalim ang political crisis sa Maldives matapos bumoto ang mga mambabatas na sibakin ang chief public prosecutor ng bansa na tumangging kasuhan ang sinibak na pangalawang pangulo ng bansa.

FB, may deadline sa Belgian court,

Nagbigay ang isang Belgian court noong Lunes ng 48 oras para itigil ang pagsusubaybay sa Internet users na walang accounts sa US social media giant o magmumulta ng hanggang 250,000 euros ($269,000) akada araw.

Cocaine patungong Chile, nasabat

Nasabat ng Colombian police ang 575 kilong cocaine na patungong Chile sakay ng dalawang bus na nagdadala ng Colombia fans sa isang World Cup qualifying soccer match sa Santiago.

Panalong si Suu Kyi, niregaluhan ng ruby

Bilang salamin ng paggalang ng maraming mamamayan kay Aung San Suu Kyi, isang babaeng nasa kanyang 70s ang nagtungo sa bahay ng opposition leader upang ihandog sa kanya ang isang ruby brooch na nakapatong sa ginto, na ikinorteng tila mapa ng Myanmar.

Sweden, muling nakakita ng kahirapan

Ang evacuation ng napakaruming Roma camp ngayong linggo ang nagpuwersa sa Sweden na harapin ang nakababahalang bagong katotohanan: Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming henerasyon, nasaksihan ng mayamang nasyon ang mga taong naninirahan sa matinding kahirapan, nang walang basic amenities gaya ng elektrisidad at tubig.

China smog, 50 beses na mas mapanganib

Malaking bahagi ng China ang kinukumutan ng mapanganib na ulap-usok noong Lunes matapos umakyat ang antas ng pinakamapanganib na particulates ng halos 50 beses kaysa maximum ng World Health Organization.

Papa, ikinalulungkot ang Vatican leaks

Nangako si Pope Francis noong Linggo na ipagpapatuloy ang mga reporma sa loob ng Simbahan, habang minaliit ang “deplorable” leaks sa hindi nakontrol na paggasta ng Vatican.

Truck nasagasaan ng tren, 1 patay

Nasagasaan ng tren ang isang truck sa isang tawiran sa timog silangan ng Germany noong Huwebes ng gabi at isang tao ang namatay, ulat ng pulisya.

Dam, nawasak; 17 namatay

Nawasak ang isang dam sa isang mining waste site sa Brazil, na nagresulta sa pagkamatay ng 17 katao at mahigit 50 pa ang nagtamo ng mga pinsala, sinabi ng isang fire chief.