Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 262)

‘Tenderness revolution’, panawagan ng papa

Nanawagan si Pope Francis noong Miyerkules ng higit na pagdidiin sa kabaitan, kabilang na sa Simbahang Katoliko, sa mundo na aniya ay markado ng kalupitan at kabangisan.

Pamamaril sa California, 14 patay

Nagpahayag ng hilakbot ang Muslim community ng California sa mass shooting noong Miyerkules na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng 17 iba pa sa San Bernardino, matapos matukoy na isa sa mga suspek ay residenteng Muslim.

Polio outbreak sa Ukraine

Hinimok ng World Health Organization ang health ministry ng Ukraine na magdeklara ng state of emergency dahil sa polio outbreak, inudyukan ang mas maagap na pagkilos sa gobyerno sa Kiev.

Germany vs IS sa Syria

Inaprubahan ng German Cabinet noong Martes ang mga plano na ipangako ang 1,200 sundalo para suportahan ang international coalition na lumalaban sa grupong Islamic State sa Syria.

Zuckerberg, ido-donate 99% ng Facebook share

Inihayag ni Facebook co-founder Mark Zuckerberg noong Martes na siya ay ganap ng ama at nangakong gagawing “better place” ang mundo para sa kanyang anak na si Maxima at sa iba pa.

Turkey, bumubuwelo vs Russia

Sinabi ni Turkish President Tayyip Erdogan na ang kanyang gobyerno ay kikilos “patiently and not emotionally” sa pagpapatupad ng alinmang hakbangin bilang tugon sa pagpapataw ng Russia ng mga sanction sa Turkey.

Beijing: Polusyon, umabot na sa delikadong level

Inatasan kahapon ang mga eskuwelahan sa Beijing na panatilihin sa loob ng mga silid-aralan ang mga estudyante kasunod ng record-breaking na polusyon sa hangin sa kabisera ng China, na humigit na nang 35 beses sa ligtas na antas.

Fundamentalism, ‘disease of all religions’—Pope

Inihayag ni Pope Francis na ang fundamentalism ay “disease of all religions”, kabilang ang Simbahang Katoliko, sa kanyang pagbabalik mula sa paglilibot sa tatlong bansa sa Africa upang mangaral tungkol sa pagkakasundu-sundo at pag-asa.

Turkey sanctions, pirmado na ni Putin

Nilagdaan nitong Sabado ni President Vladimir Putin ang isang dekrito na nagpapataw ng iba’t ibang economic sanctions laban sa Turkey, nagbibigay-diin sa tindi ng galit ng Kremlin sa Ankara apat na araw makaraang pabagsakin ng Turkey ang isang Russian warplane.

3 patay, 9 sugatan sa US clinic attack

Pinasok ng lalaking armado ng rifle ang Planned Parenthood abortion clinic sa Colorado Springs nitong Biyernes at nagpaulan ng bala sa isang pag-atake na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng siyam na iba pa, ayon sa awtoridad.