Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 250)

Gas tanker truck, sumabog, 100 patay

Isang gas tanker truck ang sumabog sa isang mataong industrial gas plant sa Nigeria noong Huwebes, na ikinamatay ng mahigit 100 katao na pumipila para mag-refill ng kanilang mga cooking gas cylinder para sa Pasko

2 Myanmar migrant, hinatulan ng bitay

Hinatulan kamatayan ng isang Thai court ang dalawang Myanmar migrant worker noong Huwebes matapos mapatunayang nagkasala sa pagpatay noong 2014 sa dalawang turistang British sa isang holiday island

Bagyo sa US, 7 patay

Pitong katao ang namatay sa storm system na tinawag ng forecasters na “particularly dangerous” habang hinahagupit nito ang mainland United States noong Miyerkules, at pinaghahanap ng mga opisyal ang mga nawawalang residente sa kadiliman ng gabi.

Sunog sa Saudi hospital, 25 patay

Isang sunog ang naganap dakong madaling araw sa isang ospital sa southwestern port city ng Jazan sa Saudi Arabia noong Huwebes na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 107 iba pa, sinabi ng Saudi civil defense agency sa isang pahayag.

Biktima ng pagnanakaw, ninakawan ng imbestigador

Isang supervisor sa Institute of Forensic Sciences ng Puerto Rico na nag-iimbestiga sa pagpatay sa isang 70-anyos na lalaki na ninakawan sa loob ng kanyang bahay ang inakusahan ng tangkang pagnakawan ng mahigit $3,000 ang biktima.

MERS outbreak sa SoKor, tapos na

Inanunsiyo ng South Korea noong Miyerkules na opisyal nang nagwakas ang outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) na ikinamatay ng 36 katao at nagbunsod ng malawakang pag-aalala sa fourth-largest economy ng Asia.

Emperor Akihito, 82, ginunita ang giyera

Dapat alalahanin ng Japan ang mga mapait na aral ng World War II, sinabi ni Emperor Akihito sa isang panayam para markahan ang kanyang 82nd birthday noong Miyerkules, nagbalik-tanaw sa mga kaganapan sa 70th anniversary ng pagtatapos ng digmaan.

3 batang suicide bomber, umatake

Tatlong batang suicide bomber ang nagpasabog ng kanilang mga sarili na ikinamatay ng anim na iba pa at 24 katao ang nasugatan sa hilagang silangan ng Borno state sa Nigeria, sinabi ng tagapagsalita ng Nigerian army noong Lunes.

‘Catalog of virtues’, inilabas ng papa

Hinimok ni Pope Francis ang mga Vatican bureaucrat noong Lunes na magpakita ng honesty, humility at sobriety kasabay ng paglabas niya ng Christmas-time “catalog of virtues” para sundin ng mga ito.

Indian plane, sumabog; 10 patay

Isang chartered Indian aircraft na sakay ang ilang militar ang sumabog matapos bumulusok na ikinamatay ng lahat ng 10 pasahero nito malapit sa paliparan ng New Delhi noong Martes.