Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 244)

Truck nasagasaan ng tren, 1 patay

Nasagasaan ng tren ang isang truck sa isang tawiran sa timog silangan ng Germany noong Huwebes ng gabi at isang tao ang namatay, ulat ng pulisya.

Dam, nawasak; 17 namatay

Nawasak ang isang dam sa isang mining waste site sa Brazil, na nagresulta sa pagkamatay ng 17 katao at mahigit 50 pa ang nagtamo ng mga pinsala, sinabi ng isang fire chief.

Maduro, mag-aahit

Nangangako si Venezuelan President Nicolas Maduro na aahitin niya ang kanyang bigote, na naging tatak na niya, kapag hindi naabot ng socialist government sa katapusan ng taon ang target nitong pamamahagi ng mahigit isang milyong pabahay.

Mustard gas ginamit sa Syria

Ginamit ang mustard gas sa labanan nitong tag-araw sa Syria, sinabi ng global chemical weapons watchdog noong Huwebes, habang nakubkob ng mga jihadist ang isang bayan mula sa puwersa ng rehimen.

Suu Kyi sa reporter: Don’t exaggerate

Sinabihan ni Myanmar opposition leader Aung San Suu Kyi ang mga mamamahayag na huwag palakihin ang problema ng bansa, bilang tugon sa isang katanungan tungkol sa Rohingya, ang Muslim minority ng bansa na naninirahan sa Rakhine State sa kanluran.

Russian plane, posibleng binomba

Sinabi ng Britain noong Huwebes na malaki ang posibilidad na isang grupong kaugnay ng Islamic State ang nasa likod ng pinaghihinalaang bomb attack sa isang Russian airliner na ikinamatay ng 224 katao.

Tulong! Sigaw sa mga cellphone

Umaapela ng tulong ang mga survivor na naiipit sa ilalim ng mga guho ng isang pabrika sa Pakistan gamit ang kanilang mga cellphone noong Huwebes habang nangangamba ang mga rescuer na aakyat pa ang bilang ng mga namatay mula sa 18 sa huling trahedyang nagbibigay diin sa mababang safety standard sa timog Asia.

Chinese president, bumisita sa Vietnam

Dumating si Chinese President Xi Jinping sa Hanoi noong Huwebes para sa isang pagbisita na ikinagalit ng mga makabayang Vietnamese sa panahon ng kumukulong iringan sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

2 katao inaresto sa Vatican leak

Sinabi ng Vatican noong Lunes na inaresto nito ang isang paring may mataas na katungkulan at isang miyembro ng papal reform commission sa imbestigasyon sa nabunyag na mga confidential document – isang nakagugulat na hakbang bago ang paglalathala sa dalawang librong nangangako ng mapanirang rebelasyon tungkol sa mga balakid na kinaharap ni Pope Francis sa pagsasaayos sa pananalapi ng Holy See.

Pistorius, ibabalik sa kulungan

Makikipagdebate ang mga South African state prosecutor sa korte para isakdal si Oscar Pistorius ng murder at maibalik siya sa kulungan, dalawang linggo matapos siyang palayain at isailalim sa house arrest.