Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 231)

Venezuelan opposition, lumayas sa pagpupulong

Nilayasan ng mga mambabatas ang sesyon ng opposition-led legislature ng Venezuela nitong Huwebes, at inakusahan ang mga tagasuporta ng gobyerno ng panggugulo sa huling bangayan sa pulitika ng bansa.

Unibersidad, sinunog

Isang unibersidad sa South Africa ang inililikas at pansamantalang isinara matapos silaban ng mga nagpoprotestang estudyante ang mga gusali sa campus.

30 taong nagkawalay, pinagtagpo ng DNA test

Dalawang magkapatid na babae na nagkawalay nang wasakin ng avalanche ang kanilang bayan sa Colombia ang muling nagkita makalipas ang tatlong dekada, nitong Huwebes.

Unang humanitarian airdrop sa Syria

Nagsagawa ang United Nations nitong Miyerkules ng unang humanitarian airdrop sa Syria upang matulungan ang libu-libong mamamayan na nahaharap sa matinding kakulangan ng pagkain sa lungsod na winasak ng mga Islamic State jihadist.

Mas mabigat na parusa, ipapataw sa NoKor

Nagkasundo ang United States at China sa UN resolution sa North Korea na hindi tatanggapin ang Pyongyang bilang ‘’nuclear weapons state,’’ ipinahayag ng White House nitong Miyerkules.

Namatay sa cyclone, ipinalilibing agad

Hinihimok ang mga Fijian sa malalayong lugar na kaagad ilibing ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa malakas na cyclone imbes na maghintay ng awtopsiya.

Red-light district, isasara ng Indonesia

Target ng Indonesia na maipasara ang lahat ng red-light district ng bansa pagsapit ng 2019 upang mabura ang prostitusyon sa nasyon, iniulat ng Jakarta Post nitong Martes ng gabi na sinabi ng social affairs minister.

Magsasakang Castro, pumanaw

Pumanaw na si Ramon Castro, ang panganay na kapatid na lalaki nina President Raul Castro at revolutionary icon Fidel Castro, ipinahayag ng Cuban state media nitong Martes. Siya ay 91.

Fourth term ni Morales, inayawan

Ibinasura ng mga botante ang constitutional amendment na magpapahintulot kay Bolivian President Evo Morales na tumakbo sa ikapaat na termino sa 2019, inanunsiyo ng electoral officials nitong Martes ng gabi.

Zika virus, mahabang laban –WHO chief

Nagbabala ang pinuno ng World Health Organization nitong Martes na ang laban sa Zika, ang virus na isinasalin ng lamok at iniuugnay sa matinding birth defects, ay magiging mahaba at kumplikado.