Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 211)

Vietnam, muling nagbabala sa China

Naglabas ang Vietnam ang ikalawang babala sa loob ng isang linggo laban sa Beijing matapos lumapag ang mas maraming Chinese aircraft sa pinagtatalunang Fiery Cross reef sa Spratlys noong Miyerkules.

11 patay sa gumuhong minahan

Sinabi ng mga awtoridad sa central China na namatay ang 11 manggagawa na naipit sa ilalim ng lupa sa gumuhong coal mine.

South Korea, nagpapasaklolo

Nakikipag-usap ang South Korea sa United States para magpadala ng U.S. strategic assets sa Korean peninsula, sinabi ng isang opisyal ng South Korean military noong Huwebes, isang araw matapos sabihin ng North Korea na matagumpay nitong sinubok ang kanyang hydrogen nuclear device.

Iran sa Saudi: Itigil ang panggagatong

Nagbabala ang Iran sa Saudi Arabia noong Miyerkules na tumigil sa pagkilos laban dito sa pagtindi ng kanilang diplomatic crisis sa kabila ng mga pagsisikap na mapahupa ang iringan na nagtaas ng pangamba sa katatagan ng rehiyon.

Chinese research ship, naispatan sa Japan

Naispatan ang isang Chinese marine research ship noong Huwebes na nagbababa ng tubo sa karagatan sa loob ng exclusive economic zone ng Japan, may 340 kilometro sa timog ng main island ng Okinawa, sinabi ng Japan Coast Guard.

Iran, may bagong underground missile

Pinasinayaan ng Iran ang isang bagong underground missile depot noong Martes, ipinakita ng state television ang Emad na nakaimbak na mga precision-guided missile na ayon sa United States ay kayang magdala ng nuclear warhead at lumalabag sa 2010 resolution ng U.N. Security Council.

Bus sa hilagang China, nasunog; 14 patay

Nasunog ang isang bus sa hilaga ng China noong Martes na ikinamatay ng 14 katao, sinabi ng fire spokeswoman.

Chinese, namatay sa H5N6 bird flu

Isang 26-anyos na babaeng Chinese ang namatay sa bird flu, at isa pang babae ang iniulat na nasa malubhang kalagayan.

Germany, nayanig sa New Year’s sex assaults

Nayanig ang mga German leader sa ilan dosenang kaso ng tila magkakaugnay na sexual assault laban sa kababaihan sa New Year’s Eve sa kanlurang lungsod ng Cologne.

Bulkan sa Guatemala, sumabog

Sumabog ang Volcano of Fire ng Guatemala at bumuga ng abo na umaabot sa taas na 23,000 feet (7,000 meters) above sea level.