Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 209)

20,000 uniporme para sa jihadists, nasamsam

Sinabi ng Spanish police nitong Huwebes na nasamsam nila ang nasa 20,000 military uniforms, “enough to equip an entire army”, na nakalaan para sa mga grupong jihadist na kumikilos sa Syria at Iraq.

NoKor nuke, naka-‘standby’

Iniutos ni North Korean leader Kim Jong-Un na ihanda ang nuclear arsenal para sa anumang oras na pre-emptive use, sa inaasahang pagtindi ng sagutan matapos pagtibayin ng UN Security Council ang bago at mabibigat na parusa laban sa Pyongyang.

Gastos sa depensa, tataasan ng China

Tataasan ng China ang gagastusin nito sa depensa ng pito hanggang walong porsiyento ngayong taon, sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal, sa pagpapalakas ng Beijing sa pag-aangkin ng mga teritoryo sa South China Sea.

Endangered dolphins, natagpuang patay

Sinabi ng mga marine biologist nitong Miyerkules na sinisikap nilang maintindihan kung bakit natagpuang patay ang 23 endangered Franciscana dolphin sa ilang dalampasigan sa hilaga ng Buenos Aires.

Bin Laden, environmentalist?

Nanawagan si Osama bin Laden sa mga Amerikano na tulungan si President Barack Obama na labanan ang “catastrophic” climate change at “save humanity”, sa isang liham na ebidensiya ng kanyang pag-aalala sa environmental issues.

Kapatid ng ex-president, sabit sa death squad

Inaresto ang kapatid na lalaki ni dating Colombian President Alvaro Uribe nitong Lunes sa alegasyong sangkot siya sa mga pagpatay at forced disappearance habang tumutulong sa pagbuo ng far-right death squad noong 1990s.

Cambodians, umamin sa rape ng French tourists

Limang mangingisdang Cambodian ang umamin sa panggagahasa at panggugulpi sa mga turistang French sa isang Thai beach, ipinahayag ng Cambodia foreign ministry nitong Martes.

Bus, nahulog sa b angin; 10 patay

Sampung katao ang namatay at 25 ang nagtamo ng mga pinsala sa Mexico matapos mahulog ang isang bus sa 45-metrong lalim na bangin sa hilagang estado ng Durango, sinabi ng mga awtoridad nitong Linggo.

Nigeria: Libu-libong ghost worker, sinibak

Sinabi ng finance ministry ng Nigeria nitong Linggo na nakatipid ito ng milyun-milyong dolyar sa pondo ng gobyerno sa pagsibak sa mahigit 20,000 “ghost workers” mula sa state payroll.

3 dating exec, kinasuhan sa Fukushima disaster

Tatlong dating Japanese utility executive ang pormal na kinasuhan kahapon ng pagpapabaya sa Fukushima nuclear disaster ang mga una mula sa kumpanya na haharap sa criminal court.