Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 204)

Flydubai jet, bumulusok; 61 patay

Walang nakaligtas sa 61 pasahero ng Flydubai Boeing 737 makaraang bumagsak at sumabog ang eroplano habang papalapag sa Rostov-on-Don, sa Southern Russia, kahapon ng umaga, ayon sa isang opisyal.

U.N., African Union staff, pinalalayas ng Morocco

Nais ng Morocco na umalis ang 84 na international civilian staff ng United Nations at African Union na nagtatrabaho sa Western Sahara mission ng world body sa loob ng tatlong araw, inihayag ni U.N. spokesman Stephane Dujarric nitong Huwebes.

Guinea: 2 namatay sa Ebola

Dalawang katao mula sa isang pamilya ang namatay sa Ebola sa Guinea, sinabi ng gobyerno nitong Huwebes, kasabay ng pagdeklara ng World Health Organization ng pagkalat ng virus sa katabing Sierra Leone.

NoKor, nagbaril ng ballistic missile

Nagbaril ang North Korea ng medium-range ballistic missile sa dagat nitong Biyernes, ilang araw matapos ipag-utos ng lider nitong Kim Jong-Un na paigtingin pa ang nuclear warhead at missile tests, sinabi ng defence ministry ng South Korea.

Outdoor trial, aral sa migrant workers

Nagdaos ang isang Chinese court ng outdoor trial para sa walong migrant worker na nagpoprotesta laban sa mga hindi nabayarang suweldo “[to] educate the public in law”, sinabi ng Beijing News ng estado nitong Biyernes.

German embassy sa Turkey, nagsara

Sarado ang embassy ng Germany sa Ankara at ang general consulate nito sa Istanbul nitong Huwebes sa indikasyon ng posibleng pag-atake, sinabi ng foreign ministry.

Bus bumaligtad, 16 pilgrim patay

Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga Palestinian pilgrim na namatay matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang bus sa katimogan ng Jordan nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Brazilians, muling nagprotesta vs Lula

Sumiklab muli ang mga protesta sa Brazil matapos ilabas ang recorded phone call nina President Dilma Rousseff at ng dating popular na pangulo, na nagpapahiwatig na itinalaga niya ito sa kanyang gabinete upang maiwasang maaresto dahil sa korupsiyon.

Smog alert sa Mexico City

Pinalawig ng mga awtoridad sa Mexico City ang air pollution alert sa ikaapat na araw, habang bahagyang bumuti ang antas ng smog ngunit nananatili ang polusyon sa halos 1½ beses ng acceptable limits sa ilang lugar.

Gunman sa Brussels siege, napatay

Napatay ng Belgian police ang isang gunman matapos masugatan ang ilang opisyal noong Martes sa raid sa isang apartment sa Brussels na iniugnay sa imbestigasyon sa Islamist attacks sa Paris noong Nobyembre, iniulat ng public broadcaster na RTBF. Dalawa pang suspek ang pinaghahanap.