Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 203)

Baha sa Texas: 2 patay, 3 nawawala

Aabot sa dalawang katao ang namatay at tatlo naman ang nawawala sa pagbuhos ng malakas na ulan na nagdulot ng mataas na baha sa Texas, nitong Biyernes, kinumpirma ng mga opisyal.

3 mamamahayag, pinalaya ng Colombian rebels

Pinakawalan nitong Biyernes ng Colombian rebel group na ELN ang isang kilalang Spanish-Colombian journalist at dalawang local TV reporter matapos bihagin nang ilang araw.

NoKor, nagbantang pasasabugin ang SoKor warships

Nagbanta kahapon ang North Korea na aatakehin ang mga barkong pandigma ng South Korea kapag tumawid ito sa pinagtatalunang western sea border, isang araw matapos magpakawala ng warning shots ang hukbong-pandagat ng South upang itaboy ang dalawang barko ng North.

Thai queen, may dinaramdam

Sumailalim ang 83-anyos na si Queen Sirikit ng Thailand sa medical tests at may “insufficient blood in the brain”, sinabi ng Royal Household Bureau sa isang bihirang pahayag kaugnay sa kalusugan nito.

Brazil: 30 suspek sa gang rape, tinutugis

Tinutugis ng Brazilian police ang mahigit 30 kalalakihan na pinaghihinalaang sangkot sa gang rape ng isang 16-anyos nitong weekend. Ipinaskil ng mga salarin ang mga litrato at video ng panggagahasa sa walang malay na teenager sa Twitter.

G7, nababahala sa East, South China Sea

Sinabi ng mga lider ng Group of Seven advanced democracies noong Biyernes na nababahala sila sa tumitinding tensiyon sa karagatan sa Asia at nanawagan na resolbahin ang mga pagtatalo nang hindi gumagamit ng puwersa.

Disney dollar, ititigil na

Sinabi ng iconic home ni Mickey Mouse nitong Miyerkules na hindi na ito mag-iimprenta at magbebenta ng kanyang kinagigiliwang currency, ang Disney dollar, na nagbunsod ng buying frenzy sa mga kolektor.

11 state, kakasuhan ang Obama admin

Magsasampa ng kaso ang Texas at 10 pang estado laban sa administrasyong Obama kaugnay sa direktiba sa mga pampublikong paaralan sa U.S. na pahintulutan ang mga estudyanteng transgender na gumamit ng palikuran at locker room na tumutugma sa kanilang gender identity.

G7 binalaan vs South China Sea ‘meddling’

Nagbabala ang Chinese state media sa Group of Seven nations nitong Huwebes na huwag makialam sa iringan sa South China Sea, sa pagtitipon ng mga lider ng bloc sa Japan.

London, naghahanda sa posibleng Brexit

Sa halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang mahalagang in-out EU referendum ng Britain, abala na ang finance district ng London sa paghahanda sa potensyal na ‘’Brexit’’.