Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 201)

Pagkulong kay Anwar, illegal –UN

Nagpasya ang UN Working Group on Arbitrary Detention na iligel ang pagkakakulong kay dating Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim at nanawagan na agad siyang palayain, ayon sa kopya ng opinyon na inilabas noong Lunes ng kanyang pamilya.

Titulong knight at dame, tinanggal ng Australia

Tinanggal ng Australia ang knight at dame mula sa national honour system, sinabi ni Prime Minister Malcolm Turnbull noong Lunes, ikinatwiran na hindi na naaakma ang mga titulong ito sa modernong panahon.

China one-child policy, mananatili pansamantala

Dapat patuloy na ipatupad ng China ang one-child policy hanggang sa magkabisa ang mga bagong patakaran na nagpapahintulot sa mga mag-asawa na magkaroon ng dalawang anak, sinabi ng National Health and Family Planning Commission, ang pinakamataas na family planning body ng bansa.

12 patay sa pag-atake ng Shebab

Aabot sa 12 katao ang namatay sa Somali capital kahapon matapos gumamit ng Shebab gunmen ng isang sasakyan na naglalaman ng mga bomba, ayon sa pulis.

Texas, binagyo; 6 patay

Anim na katao na ang namatay sa pananalasa ng bagyo sa Texas na may dalang malakas na ulan, at nagbunsod ng malawakang baha at pagkansela ng mga flights, sinabi ng awtoridad nitong Sabado.

Publisher sa Bangladesh, pinatay; 3 sugatan

Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang publisher ng mga secular book habang tatlong iba pa ang nasugatan sa Bangladesh.

224 na sakay sa bumagsak  na Russian plane, patay

224 na sakay sa bumagsak na Russian plane, patay

Nasawi ang lahat ng 224 na pasahero, kabilang ang 25 bata, sa pagbulusok ng Russian passenger airliner nitong Sabado sa kabundukan ng Sinai Peninsula sa Russia, 23 minuto matapos umalis mula sa sikat na Red Sea resort.

Trahedya sa Romania, déjà vu?

Parehong-pareho, ayon sa mga survivor at naulila ng mga biktima, ang nangyari sa nasunog na nightclub sa Rhode Island ilang dekada na ang nakalipas sa trahedyang nangyari nitong Sabado sa Bucharest sa Romania

China, tinawagan ang U.S. ambassador

Sinita ng China ang Washington sa pagpapadala ng isang U.S. guided-missile destroyer malapit sa mga artipisyal na isla ng Beijing sa pinagtatalunang South China Sea, sinabing sinundan at binalaan nito ang barko at tinawagan ang U.S. ambassador para magprotesta.

High-speed ferry, bumangga, 124 nasaktan

Mahigit 120 katao ang nasaktan nang bumangga ang isang high-speed ferry mula sa Macau sa isang bagay sa tubig.