Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 199)

28 ‘terorista’, patay sa Chinese police

Binaril at napatay ng Chinese police ang 28 miyembro ng isang “terrorist group” sa Muslim region ng Xinjiang, iniulat ng state media noong Biyernes.

Flag referendum sa New Zealand, binuksan

Nagsimula nang bumoto ang mga New Zealander noong Biyernes para pumili ng magiging bagong bandila sa pagkonsidera ng South Pacific nation na alisin ang Union Jack ng Britain sa kanyang pambansang watawat.

Panibagong tangka sa Paris, 2 patay

Isang suicide bomber ang nagpasabog ng kanyang sarili sa isang police raid noong Miyerkules na ayon sa sources ay sumupil sa plano ng isang jihadi na atakehin ang business district sa Paris, ilang araw matapos ang serye ng pag-atake na ikinamatay ng 129 sa paligid ng French capital.

Rome, Milan posibleng targetin

Nagbabala ang State Department na ang St. Peter’s Basilica sa Rome, at ang cathedral ng Milan at La Scala opera house, gayundin ang “general venues” gaya ng mga simbahan, synagogue, restaurant, sinehan at hotel ay tinukoy na “potential targets” sa dalawang lungsod na ito para sa terrorist attacks.

‘Invincible’ bacteria

Nalusutan ang final line of defence ng medisina laban sa nakamamatay na sakit, nagtaas ng pangamba ng pandaigdigang epidemya, sinabi ng mga scientist, matapos matagpuan ang isang bacteria na hindi tinatablan ng mga last-resort antibiotic.

5,500 IS accounts, isinara ng Anonymous

Sinabi ng hacker group na Anonymous noong Martes na naisara nila ang 5,500 Twitter account na iniugnay sa grupong Islamic State, na umako sa mga pag-atake sa Paris.

Jordan King, nagbabala ng ‘world war’

Nagbabala si King Abdullah II ng Jordan noong Martes ng “third world war against humanity”, inilarawan ang grupong Islamic State group na “savage outlaws of religion” kasunod ng mga atake sa Paris.

Banta sa Netherlands- Germany soccer match

”Serious plans for explosions” ang nagpuwersa ng evacuation ng stadium sa Hannover, Germany, noong = Martes ng gabi bago ang Netherlands-Germany friendly soccer match, sinabi ng police chief sa Lower Saxony region ng Germany.

Bomb threat: 2 Air France flight, na-divert

Dalawang Air France flight na patungong Paris mula United States ang na-divert noong Martes kasunod ng mga anonymous bomb threat, at daan-daang pasahero at crew ang ligtas na naibaba, sinabi ng airline at ng Federal Aviation Administration.

China, ‘real victim’

Nagpakita ang China ng “great restraint” sa South China Sea sa hindi pagkubkob sa mga islang okupado ng ibang bansa kahit na kaya niya itong gawin, sinabi ng isang mataas na Chinese diplomat noong Martes.