Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 172)

Russian warship at Turkish vessel, muntikang magkabanggaan

Nagbabala ang Russia noong Sabado sa Turkey na itigil ang panggagalit sa mga puwersa nito sa Syria o malapit dito matapos isa sa kanyang warship ang nagbaril ng warning shots sa isang Turkish vessel sa Aegean para maiwasan ang banggaan.

Magulang ng batang ‘di nag-aaral, parurusahan

Sa paghahanda ng Tanzania na ipakilala ang libreng basic education para sa lahat, nagbabala ang gobyerno na parurusahan ang mga magulang na bigong tiyakin na nag-aaral sa paaralan ang kanilang mga anak.

Child pornography sa 12 bansa, 60 arestado

Sinabi na mga opisyal na 60 katao ang inaresto sa isang operasyon laban sa child pornography sa 10 bansa sa Latin America, gayundin sa Spain at United States.

Climate pact ng 195 bansa,  ‘best chance to save our planet’

Climate pact ng 195 bansa, ‘best chance to save our planet’

Napagkasunduan ng pandaigdigang climate summit sa Paris ang isang napakahalagang agreement na magbibigay-daan sa isang makasaysayang pagbabago ng mundong nakaasa sa fossil fuel sa layuning mapigilan ang global warming sa mga susunod na dekada.

Gambia, idineklarang ‘Islamic state’

Idineklara ni President Yahya Jammeh ang Gambia bilang “an Islamic state”, ngunit binigyang-diin na irerespeto ng bansa ang lahat ng karapatan ng minoryang Kristiyano sa maliit na west African country at hindi oobligahin ang kababaihan sa isang dress code.

Kristiyanong female fighters, kumasa vs IS

Hindi pinagsisisihan ni Babylonia na kinailangan niyang iwan pansamantala ang dalawa niyang anak at ang kanyang trabaho bilang hairdresser upang lumahok sa isang Kristiyanong militia ng kababaihan na lumalaban sa Islamic State sa Syria.

China, sinasagad ang Navy drills

Kinumpirma kahapon ng Defense Ministry na nagsagawa ng mas maraming military exercises ang Chinese Navy sa pinag-aagawang South China Sea sa nakalipas na mga araw, at tinawag ang mga ito na routine drill.

Anak ni Gadhafi, dinukot sa Lebanon

Dinukot sa Lebanon ang anak na lalaki ng namayapang Libyan leader na si Moammar Gadhafi ng mga militanteng naghahangad ng impormasyon tungkol sa sinapit ng iisang Shiite cleric na nawala sa Libya ilang dekada na ang nakalilipas.

Syrian president, ‘di makikipagnegosasyon

Sinabi ni Syrian President Bashar Assad na hindi makikipagnegosasyon ang kanyang gobyerno sa grupong armado, na tinawag niyang “terrorists”.