Home » Archives by category » Balita » Daigdig (Page 163)

Year of Mercy, simula ngayon

Ilulunsad ni Pope Francis ngayong linggo ang isang “extraordinary” Roman Catholic Jubilee sa temang mercy o awa na sa panahong ito papayagan ang mga pari na patawarin ang kababaihang nagpalaglag.

Baha sa Britain, 1 patay

Isa ang namatay sa paghagupit ng bagyong Desmond sa buong Britain, dala ang malalakas na ulan at hangin at nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Auditing ng Vatican, itinalaga sa PwC

Inihayag ng Vatican na ang accounting giant na PricewaterhouseCoopers (PwC) ang magsasagawa ng unang external audit nito, habang sinisikap ni Pope Francis na gawing transparent ang mga gastusin at detalye ng pondo ng Holy See.

California attackers, ‘soldiers’ ng IS

Pinuri nitong Sabado ng Islamic State ang mga nagsagawa ng mass shooting sa California sa Amerika at tinawag na “soldiers” ng caliphate ng grupo, nang hindi direktang inaako ang pag-atake.

London: 3 sugatan sa ‘terror incident’

Isang lalaking armado ng patalim ang umatake sa tatlong tao sa silangang London metro station nitong Sabado, at napaulat na sumisigaw ng “this is for Syria” bago siya ginamitan ng mga pulis ng stun gun upang mapigilan sa inilarawan ng awtoridad na isang insidente ng terorismo.

Bagong protesta, pinaghahandaan ng Seoul

Pinaghahandaan ng mga South Korean ang panibagong anti-government protest sa Seoul sa Sabado, laban kay President Park Geun-Hye.

Nuclear waste, nakarating na sa Australia

Aabot sa isang dosenang Greenpeace protesters, ang iba ay may bitbit na karatula na may katagang: “Don’t waste Australia”, ang nagtungo malapit sa entrance ng Port, Sydney sa pagdating ng barkong BBC Shanghai.

La Bonne bar sa Paris, muling binuksan

Halos isang buwan matapos ang pag-atake, muling binuksan ang isang bar sa Paris na lima ang napatay ang mga teroristang nagpaulan ng bala sa mga kostumer noong Nobyembre 13.

California massacre bilang ‘act of terrorism’

Iniimbestigahan ng FBI ang posibilidad na isang “act of terrorism” ang pagpatay ng isang mag-asawa kamakailan sa 14 na katao sa California, ayon sa mga opisyal, sinabing ang babaeng suspek ay sumumpa ng alyansa sa isa sa mga pinuno ng Islamic State (IS).

Malaysia, inaprubahan ang security law

Inaprubahan ng Malaysian Parliament ang security law na nagbibigay ng malawak na security power sa isang konseho na pinamumunuan ng prime minister, ang aksyon na binatikos ng rights groups at mga kritiko na isang hakbang tungo sa diktadurya.