Home » Archives by category » Balita Archive (Page 1204)

Consular office sa Tacloban, balik-operasyon

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na balik na sa normal ang operasyon ng Regional Consular Office ng kagawaran sa Tacloban (RCO-Tacloban) simula noong Hulyo 14. Bukas sa publiko ang RCO-Tacloban mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

MMDA, LTFRB, nagsisisihan sa EDSA traffic

Sinisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buhulbuhol na trapiko sa EDSA, partikular sa Katipunan Avenue at C-5 Road, dahil pinahintulutan umano ng huli na dumaan ang mga truck sa naturang mga lansangan.

Kongreso, doble-kayod sa pagpapasa ng batas

Ni ELLSON QUISMORIO Magtatrabaho nang husto ang House of Representatives para sa inaasahang pagpapasa ng may 20 panukala sa mga unang araw ng second regular session ng 16th Congress. Inaasahang ipapasa sa mga susunod na araw sa ikatlo at huling pagbasa ang limang panukalang batas, isang House Joint Resolution at may 14 na lokal na […]

Aguelo, kakasa vs Thompson ngayon

Kapwa nakuha nina Philippine Boxing Federation (PBF) super featherweight champion Adonis “Yamagata” Aguelo at WBC International lightweight titlist Sergio “Yeyo” Thompson ang timbang sa junior lightweight division kaya tuloy na ang kanilang 12-round bout ngayon sa Chetuma, Quintana Roo, Mexico.

Sex video ni Paolo Bediones, in demand pa rin

PATULOY pa ring pinaguusapan at hinahagilap sa Internet ang sex video ni Paolo Bediones. Pero mas nakakagulat ang sinasabing hindi lang isa kundi tatlo ang sex video ng TV5 broadcaster. Bukod sa paghingi ng tulong sa Philippine National Police para matunton ang nagkakalat ng kanyang video, mukhang hindi naman apektado ang trabaho si Paolo.

DoLE sa displaced OFWs: Maraming trabaho sa ‘Pinas

Ni ELLAINE DOROTHY S. CAL Tiniyak ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa mga overseas Filipino worker (OFW) na uuwi mula sa mga bansang napapagitna sa kaguluhan at magdedesisyong magtrabaho na lang sa bansa na tutulong ang Department of Labor and Employment (DoLE) para magkaroon ng pagkakakitaan ang mga ito.

TAP sa West Philippine Sea, ipiprisinta sa ASEAN meetings

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatalakayin ng Pilipinas ang panukala nitong “Triple Action Plan” (TAP) sa mga pulong ng ASEAN ngayong buwan upang mabawasan o tuluyan nang mapawi ang tensiyon sa West Philippine Sea (South China Sea). Ipapanukala ng Pilipinas ang TAP bilang kongkretong hakbangin na tutugon sa lumalalang tensiyon sa West […]

KAPAG MAY USOK, MAY SUNOG

May kasabihang “Kapag may usok, may sunog”. May bulungbulungan ngayon ng bantang kudeta laban kay Pangulong Noynoy Aquino. Pinabulaanan agad ito ng AFP sa pamamagitan ni Spokesman Lt. Col. Rafael Zagala. Mismong si Sen. Antonio Trillanes IV, nanguna sa pagaalsa noon laban sa administrasyong Arroyo, ang nagpahayag na may tinanggap siyang impormasyon tungkol dito.

NPA rebels, binarikadahan ng mga residente, estudyante

BUTUAN CITY – Sinalakay ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang construction site at sinunog ang isang heavy equipment sa Lapaz, Agusan del Sur, ayon sa ulat ng pulisya.

2014 WPT crown, target ng Pilipinas

Pag-aagawan ng Philippine Billiards Team at China 2 ang korona at nakatayang $80,000 premyo sa 2014 World Pool Team Championship sa Tongzhou, Luhe High School sa Beijing, China. Ito ay matapos na biguin ng Pilipinas, binubuo nina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Carlo Biado at Rubilen Amit, ang mga pambato ng China 1 sa matinding […]