Home » Entries posted by Balita (Page 2)

Tsinoy na sentensiyado sa insurance fraud, timbog

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang negosyanteng Filipino-Chinese na unang nahatulan ng korte dahil sa pagkamkam sa milyun-milyong pisong halaga ng insurance claim mula sa isang mayamang negosyante.

Obrero, pinatay ng kaibigan

Inaalam ng pulisya kung inggitan sa pag-awit sa videoke o personal na alitan ang nasa likod ng pananaksak ng isang construction worker sa kanyang kaibigan habang sila ay nag-iinuman sa Block 5, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Magsasaka, nagbaril sa ulo

Isang 55-anyos na magsasaka ang nagpatiwakal nitong Linggo ng hapon nang magbaril sa sarili gamit ang isang .22 caliber improvised pistol sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Lumatak, Barangay San Agustin, sa bayang ito, iniulat kahapon ng pulisya.

2 katao nabundol ng bus, patay

Inabutan pa ng awtoridad na nakasabit sa ilalim ng bus ang bangkay ng isang lalaki, at isa pa ang namatay matapos umanong mabundol ng naturang sasakyan sa Sto. Tomas, Batangas.

KAMATAYAN

HINDI nagbabago ang aking paninindigan hinggil sa pagpapatupad ng parusang kamatayan bilang hadlang sa karumal-dumal na krimen. Marami nang pagkakataon na ito ay napatunayan, dangan nga lamang at ang pagpapatupad nito ay paudlot-udlot o lumamig-uminit, wika nga. Katunayan, dumating ang pagkakataon na ang naturang parusa ay pinawalang-bisa at ginawang habambuhay na pagkabilanggo na lamang.

3 sa Army, sugatan sa BIFF attacks

Tatlong sundalo ang nasugatan sa pagsalakay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Pink Mansion, nasunog; 2 sugatan

Nagsasagawa ng masusing imbestigayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog sa Lopez Pink Castle Mansion, na ikinasugat ng dalawang katao, sa Luna, La Paz, Iloilo City, nitong Linggo ng gabi.

Tony Blair: Sorry for Iraq War mistakes

(CNN)—Humingi ng tawad si dating British Prime Minister Tony Blair sa mga pagkakamaling kanyang nagawa sa U.S.-led invasion ng Iraq noong 2003, ngunit hindi niya pinagsisihan ang pagpapabagsak kay Saddam Hussein.

34-anyos na housewife, grand prize winner sa Bingo Balita

34-anyos na housewife, grand prize winner sa Bingo Balita

Ito ang masayang-masayang pahayag ng grand prize winner ng Bingo Balita Papremyo nitong Linggo, ang 34-anyos na housewife na si Angelita Payot.

3 sa ASG patay, 4 na sundalo sugatan sa sagupaan

Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang apat na sundalo ang nasugatan sa engkuwentro sa Basilan nitong Linggo ng umaga.