Home » Entries posted by Balita Online (Page 7148)

Pakistani PM, pinagbibitiw

ISLAMABAD (AP) – Libu-libong raliyista ang nagsagawa ng malawakang kilos-protesta kahapon sa kabisera ng Pakistan, at sa gitna ng malakas na ulan ay iginiit ang pagbaba sa puwesto ng prime minister, sa pinakamalaking paghamon na hinarap ng gobyernong Pakistani. Ipinanawagan ng grupo ni Imran Khan, sikat na cricketer na namumuno ngayon sa ikatlong pinakamalaking grupong […]

Ebola, ‘di pa makokontrol

GENEVA (AFP) – Napakabilis ng pagkalat ng Ebola at posibleng abutin pa ng anim na buwan bago ito tuluyang makontrol, ayon sa medical charity na MSF. Inilabas ang babala isang araw makaraang ihayag ng World Health Organization (WHO) na in-underestimate ang magiging epekto ng epidemya at kinakailangan ang mga “extraordinary measure” upang tuluyang mapigilan ang […]

Mayor Bagatsing Cup, hahataw ngayon

Hitik sa aksiyon ang karerang magaganap ngayon sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaalinsabay sa paghataw ng Hon. Mayor Ramon Bagatsing Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Tampok ang Challenge of Champions Cup na pakarera ng Resort World kung saan ay magtatagpo ang dalawang kampeon, ang imported na Crucis at Hangdang Bato. […]

It’s time to slow down —Jackie Chan

LONDON (AP) – Inamin ng beteranong action star na si Jackie Chan na ang paggawa ng stunts ay “not like it used to be” dahil hindi na madaling makabawi ang katawan niya mula sa malalaking action scenes. “The next morning, you realize wow, it hurts!” sabi ni Jackie, na nagdiwang ng ika-60 kaarawan noong unang […]

UN kontra Al Qaeda fighters

UNITED NATIONS (AP) – Nagkakaisang inaprubahan ng United Nations Security Council ang resolusyon na nagpapataw ng parusa sa anim na lalaki na nag-recruit o gumastos para sa mga dayuhang mandirigma sa Iraq at Syria at iginiit na agad na madisarmahan at buwagin ang lahat ng grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda. Pinatunayan ng resolusyon na in-adopt […]

PAF, Cagayan, nakatutok sa F4

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena) 2 p.m. – Cagayan vs Air Force 4 p.m. – Army vs PLDT Magtutuos ngayon ang Philippine Air Force (PAF) at defending champion Cagayan Valley (CAV) upang paglabanan ang ikatlong Final Four spot ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa isang playoff match sa FilOil Flying V […]

PAMBANSANG ARAW NG INDONESIA

Ipinagdiriwang ngayon ng Indonesia ang kanilang Pambansang Araw na gumugunita sa kanilang kasarinlan mula sa The Netherlands noong 1945. Ang Pambansang Araw, na kilala rin sa tawag na Hari Merdeka, ay karaniwang idinaraos sa mga palaro, musika, at food parties. Ang pagtataas ng bandila sa presidential place ang pinakamatimtimang seremonya sa pista opisyal na ito. […]

Draft ng BBL, isusumite na

Posibleng maisumite na kay Pangulong Benigno S. Aquino III ngayong linggo ang draft ng Bangsamoro Basic Law makaraang mapaulat na nagkasundo na ang magkabilang panig kaugnay ng nasabing batas. Kasunod ng pamamagitan ng Malacañang, tinapos na ng mga panel ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang usapan sa mga nakabimbing usapin tungkol […]

UAAP 77: Ateneo, mabuweltahan kaya ng La Salle

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum) 11 a.m. FEU vs NU 4 p.m.Ateneo vs La Salle Muling magkakasubukan ng lakas ang archrival Ateneo de Manila University (ADMU) at defending champion De La Salle University (DLSU) sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 77 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum. Napaaga ang ikalawang pagtatagpo ng […]

Sikat na aktres, muntik nang mamatay dahil sa stem cell therapy

HINDI itinanggi sa amin ng manager ng sikat na aktres na nag-50-50 ang buhay ng alaga niya dahil sa stem cell therapy dalawang taon na ang nakararaan. Noong una ay hindi namin pinapansin ang tsika sa sikat na aktres dahil sinabi naman niya nang huli namin siyang makausap na okay ang epekto ng stem cell […]