Home » Entries posted by Balita Online (Page 6318)

Suporta sa Boholano, pinaigting ni Sec. Roxas

Nanganib man ang buhay nang hindi kaagad makalapag ang sinasakyang eroplano sa Tagbilaran City, Bohol, lalong inilapit ni DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas III ang “Daang Matuwid” ng administrasyon sa mga “bossing” nang hamunin kamakailan ng kalihim ang mga pamahalaang lokal na pabilisin ang rehabilitasyon ng mga imprastrukturang nawasak ng malakas na lindol noong nakaraang […]

Pagpatay ng Army sa mag-amang magsasaka, pinaiimbestigahan

DAVAO CITY – Ipinag-utos kamakailan ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang imbestigasyon sa napaulat na pagkamatay ng dalawang sibilyan sa kasagsagan ng isang military operation sa Compostela Valley. Inatasan ni EastMinCom commander Lt. General Aurelio Baladad ang 10th Infantry Division na masusing imbestigahan ang pagpatay, na mariing kinondena ng mga human rights group rito.

Clark Air Base, Fort Magsaysay, quarantine area ng peacekeepers

Ni ELENA L. ABEN Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Clark Air Base sa Pampanga at ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija bilang posibleng lugar ng quarantine para sa mga peacekeeper na magbabalik-bansa mula sa Liberia, na isa sa mga apektado ng Ebola outbreak sa West Africa. Sinabi ni Lt. Col. Harold […]

P90M jackpot, natumbok ng retiradong driver

“Hindi ako tumigil sa pagtaya sa lotto kahit na noong nagretiro na ako sa pagmamaneho ng taxi.” Ito ang inamin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng naka-jackpot ng P90.1 milyon sa Super Lotto 6/49 noong Oktubre 5. Ito ang naikuwento ng masuwerteng taga-Quezon City kay PCSO acting Chairman Jose Ferdinand M. Rojas II nang […]

BREAKTHROUGH

Palibhasa’y anak ako ng magsasaka, wala akong pinalampas na seminar tungkol sa agrikultura at iba pang isyung pangkabuhayan. Ang naturang mga pagpupulong ay isinasagawa sa iba’t ibang lugar, tulad ng Park ang Wildlife sa Quezon City. Madalas ko ring subaybayan ang mga seminar sa himpapawid, tulad ng Pangkat Kaunlaran sa DZMM na pinamamahalaan ni Ka […]

Basbas ni PNoy, nasungkit ni Binay?

Nakuha ba niya ang basbas ni Pangulong Benigno S. Aquino III para sa kanyang pagkandidatong presidente sa 2016? Kapansin-pansin ang pagsigla ni Vice President Jejomar C. Binay matapos ang tatlong oras nilang “friendly talk” ng Pangulo sa Bahay Pangarap noong gabi ng Oktubre 14, at maaaring maghinalang nakuha na niya ang pinakahahangad na pag-endorso ng […]

Vice Ganda, magla-lie low sa ‘It’s Showtime’?

NAGBALIK na sa It’s Showtime pero walang malinaw na balita kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkakasakit ng diarrhea ni Vice Ganda, ayon na rin sa isang staff ng It’s Showtime na nakausap namin.  Dagdag pa ng insider, naalarma ang namamahala ng show nila dahil bago bumalik sa show ay may nakarating na balita […]

‘Hoops for Hope,’ aarangkada

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Masskara Festival sa lungsod ng Bacolod, nakatakdang magdaos ng isang charity game ang mga piling collegiate basketball stars ng Metro Manila at kilalang showbiz personalities. Tinaguriang “Hoops for Hope,” ang benefit game ay inihahadog ng MJM production ni Edgar Mangahas na gaganapin sa University of St. La Salle Gym.

MacArthur Bridge, kukumpunihin para sa Black Nazarene procession

Maaaring hindi ito batid ng mga palaboy na nasa paanan nito, kuntento lang sila sa kapirasong espasyong nagagalawan, may napaglulutuan ng pagkain at natutulugan, pero posibleng hindi na nila napapansin ang malaking ipinagbago ng prominenteng MacArthur Monument. Ang estatwa, na simbolo ng pagbabalik sa Pilipinas ni U.S. General Douglas MacArthur 70 taon na ang nakalilipas, […]

OEC application, online na

Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tuluyan nang matatapos ang mga panahong inaabot nang ilang oras sa pila sa mga tanggapan ng ahensiya ang mga nagbalik-bansang overseas Filipino worker (OFW) sa paglulunsad ng bago nitong online registration system. Ito ang sinabi noong Huwebes ni POEA Administrator Hans Cacdac sa opisyal na paglulunsad ng […]