Home » Entries posted by Balita Online (Page 5755)

Coco at Kim, Kilig King and Queen

SA tagal na ring panonood sa tambalan nina Kim Chiu at Coco Martin sa Ikaw Lamang, kapansin-pansin ang malakas na chemistry nila lalo na kapag kilig-kiligan ang mga eksena nila. Halos iisa ang komento ng mga nakakapanood, na-develop na kaya sila sa isa’t isa? Halos hindi na raw kasi iniaarte ng dalawa ang kanilang mga […]

2 Tes 3:6-18 ● Slm 128 ● Mt 23:27-32

Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas pero puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal ngunit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban. Nagtatayo […]

Klase sinsupinde sa magdamag na ulan

Suspendido ang klase kahapon sa Maynila, Taytay, Rizal at sa ilang paaralan bunga ng magdamag na ulan. Dakong madaling araw nang magdeklara ng suspensyon ang pamunuan ng University of Sto. Tomas (UST) sa pamamagitan ni Giovanna Fontanilla, director for public affairs ng unibersidad. Sunod na nag-anunsyo ng suspensyon ng kanilang kalase ang Caloocan at Manila […]

Broadcaster naghain ng libel case vs. Inquirer

Nagsampa ng kasong libelo ang broadcaster na si Melo Del Prado laban sa anim na empleyado ng Philippine Daily Inquirer at dalawang dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) bunsod na nailathala ng pahayagan na tumatanggap ito ng suhol mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Raul Pangalangan, PDI […]

Hulascope – August 27, 2014

ARIES [Mar 21 – Apr 19] Suddenly, bumabait na ang superior mo. Let this person know na willing kang mag-cooperate for the common goal. TAURUS [Apr 20 – May 20] You want to get away, to go somewhere na malayo sa ingay at mata ng mundo. So, what’s stopping you?

Life term kay Dennis Roldan sa kidnapping

Guilty ang naging hatol ng Pasig Regional Trial Court kay actor-turned-politician at dating PBA player Dennis Roldan at kapwa akusadong Rowena San Andres dahil sa pagkidnap kay Kenshi Yu noong Pebrero 9, 2005.

John Birges

Agosto 26, 1980, tinaniman ng bomba ng bilyonaryong si John Birges ang Harvey’s Resort Hotel sa Stateline, Nevada. Sinikap niyang makakuha ng $3 milyon mula sa casino sa pagsabing nawalan siya ng $750,000 sa pagsusugal, at pagbabantang pasasabugin ang dalawang bomba. Ang Harvey’s Resort Hotel (ngayon ay tinatawag na “Harveys”), na may lawak na 87,500 […]

Killer ng ka-live-in, nahuli rin

CABANATUAN CITY— Nahuli rin ang isang lalaki na itinuturong nasa likod ng pagkamatay ng isang 21-anyos na live-in partner nito na natagpuang lumulutang sa irrigation canal ng National Irrigation Administration (NIA) ng Sitio Boundary, Bgy. Caalibangbangan ng lungsod na ito noong Huwebes. Kinilala ni P/Supt. Pedro Oliba, hepe ng Cabanatuan City’s Finest (PNP) ang naaresto […]

NAMNAMIN ANG IYONG PAGKAIN

Natitiyak ko na naranasan mo na rin na matapos kang kumain at nagtulog agad, mahihirapan kang huminga kung kaya akala mo binabangungot ka. Sinasabi ng matatanda na masama ang matulog agad pagkatapos kumain dahil naroon ang panganib na bangungutin tayo. Mayroon ngang paliwanag iyong sa siyensiya.

Engkwentro sa North Cotabato: 1 patay

Patay ang isang kasapi ng Barangay Peacekeeping Action (BPAT) habang sugatan ang dalawa pa nitong mga kasama nang makasagupa ang isang armadong grupo sa Midsayap, North Cotabato.