Home » Entries posted by Balita Online (Page 5370)

Pilita, top singers ang makakasama sa concert

Ni REMY UMEREZ ASAHAN na ang pagsuporta ng music legend na si Pilita Corrales sa foundations tulad ng MARE na pinamumunuan ni Dra. Loi Ejercito Estrada. Sa November 13 ay balik concert si Pilita na pinamagatang A Million Thanks To You na gaganapin sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel. Sa unang bahagi, itatampok sina Jackielou […]

Fil 2:12-18 ● Slm 27 ● Lc 14:25-33

Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Jesus, humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi […]

2 school bus nagsalpukan, 8 estudyante sugatan

Walong estudyante ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang school service sa Barangay Lourdes, Quezon City kahapon ng umaga. Ayon kay traffic enforcer Jeffrey Dizon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa N. Roxas St., panulukan ng Speaker Perez St. dakong 5:45 ng umaga.

Tanduay players, mas aatupagin ni coach Chongson kaysa kay Belo

Ipinauubaya na ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson ang pakikipaglaban nila para sa manlalarong si Mac Belo sa kanilang management. Ito ang sinabi ni Chongson kasunod ng kanilang naitalang 78-77 panalo sa MJM Builders-FEU noong nakaraang Lunes sa ginaganap na PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. “I leave it to […]

Sumukong Syrian rebels, pinugutan

BEIRUT (AFP)— Pinugutan ng mga jihadist ng grupong Islamic State ang walong rebeldeng Syrian na sumuko sa isang bayan sa hangganan ng Iraq noong nakaraang linggo sa kabila ng mga pangakong amnestiya, sinabi ng isang monitor noong Linggo.

Lopez, gumawa ng malaking tulong sa Brooklyn Nets

NEW YORK (AP)- Hindi maipaliwanag ni Brook Lopez ang kaligayahang nararamdaman sa kanyang pagbabalik at ang kanyang ngiti ay sapat na para tugunan ito. At para sa Oklahoma City Thunder, mas misteryoso ito. Umiskor si Lopez ng 18 puntos sa kanyang unang regular-season game matapos ang nakalipas na halos 11 buwan, kung saan ay natikman […]

Corruption ad, ipinagbawal

CANBERRA, Australia (AP) — Isang araw matapos sabihin na masyadong politikal ang isang billboard advertisement sa climate change para sa pagtitipon ng mga lider ng mundo sa lungsod ng Brisbane sa Australia, sinabi ng mga awtoridad ng lokal na paliparan noong Martes na ipinagbawal din nila ang isang patalastas kontra katiwalian. Kinumpirma ng Brisbane Airport […]

Suspek sa pagnanakaw, pinatay

LAUREL, Batangas – Limang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang umano’y suspek sa pagnanakaw sa Laurel, Batangas. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reynaldo Escaño, 52, ng Tagaytay City. Bandang 1:37 ng hapon noong Sabado, naghihintay ng sasakyan si Escaño at patungong sementeryo nang hintuan ng dalawang suspek na magkaangkas […]

Unang air-conditioned car

Nobyembre 4, 1939 nang magtagumpay ang test run sa New York City ng unang air-conditioned car sa mundo. Sa una, hangin ang ginamit sa makina sa pamamagitan ng concealed inlet, na-filter upang alisin ang mga dumi, lumusot sa mga coil na nagpalamig o nagpainit dito, at dumiretso sa interior ng sasakyan sa tulong ng grills.

Ex-PDEA agent, arestado sa buy-bust

BACOLOD CITY – Isang dating operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang inaresto ng awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga. Kinilala ng awtoridad ang nadakip na si Crisostomo Potatos, ng La Castellana, Negros Occidental. Ayon kay Senior Insp. Ruben Pajarito, hepe ng La Castellana Police, nabawi mula sa suspek ang isang sachet […]