Home » Entries posted by Balita Online (Page 5121)

May kaugnayan sa Paris attacks, napatay sa Syria

Kabilang ang isang lider ng Islamic State na mayroong “direct” na kaugnayan sa diumano’y utak ng Paris attacks sa 10 pinuno ng mga terorista na napatay sa Syria at Iraq ngayong buwan, inihayag ng Pentagon noong Martes.

Malacañang, nanawagan ng kapayapaan sa Mindanao

Nakiisa ang Malacañang sa panawagan ni Pope Francis ng kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng dialogue at tolerance kasunod ng pagpaslang ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa 9 na sibilyan sa Mindanao sa bisperas ng Pasko.

IS malulupig sa 2016

Nagdeklara ang nagdiriwang na si Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi noong Lunes na masasaksihan sa susunod na taon ang paglupig ng kanyang puwersa sa Islamic State (IS) matapos makamit ng militar ang unang malaking tagumpay simula nang bumagsak 18 buwan na ang nakalipas.

8 survivor, nasilip

Naispatan ng mga rescuer na gumamit ng mga infrared camera para maaninag ang kadiliman ng gumuhong minahan sa silangan ng China noong Miyerkules ang walong minero na nakulong sa loob ng limang araw matapos ang pagguho.

Sales lady, nakatakas sa rapist

Isang sales lady ang muntik nang gahasain sa loob ng boarding house sa Blossomville Subdivision sa Barangay Sto. Cristo sa Tarlac City.

Pakistan gov’t office, pinasabugan; 23 patay

Isang suicide bomber ang umatake sa isang opisina ng gobyerno sa northwestern Pakistan noong Martes, na ikinamatay ng 23 katao at ikinasugat ng mahigit 70 pa, sinabi ng mga opisyal.

Magsasaka, patay sa riding-in-tandem

Hindi na nakauwi nang buhay ang isang 58-anyos na magsasaka makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Doña Josefa Bridge sa Sitio.

BPO ITINATAG SA BATAAN

NAPILI ng Business Process Outsourcing (BPO) Genpact ang Bataan para doon itatag ang kauna-unahang provincial site habang pangatlo sa buong bansa, matapos na malagdaan ang memorandum of agreement.

Most wanted sa Cabanatuan, tiklo

Dahil sa matiyagang pagtugis ng pulisya sa mga pinaghahanap ng batas, nasukol ng warrant section team ang isang 52-anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong kriminal, sa manhunt operation sa Paco Roman Extension sa Barangay Barrera ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Nurse, nalunod sa Taal Lake

Patay ang isang nurse matapos umanong malunod sa Taal Lake matapos na tumaob ang sinasakyan niyang bangka sa Talisay, Batangas.