Home » Entries posted by Balita Online (Page 5120)

Hulascope – October 7, 2014

ARIES [Mar 21 – Apr 19] Kung bored ka na with the same old places and happenings, it’s a good day to implement changes. TAURUS [Apr 20 – May 20] Hindi lahat ng offer ay nauuwi sa maganda. In this cycle, maging mapanuri. Nillanggam ang matamis na dila.

John Lloyd, walang dream role

Ni REMY UMEREZ MADALAS naming marinig sa bibig ng young stars na dream role nila ang pagganap bilang isang retarded o special child. Sa pelikulang The Trial mula sa Star Cinema ay ito ang role na ipinagkaloob sa premyado at box-office king na si John Lloyd Cruz. Sa takbo ng istorya ay maaakusahan siya na […]

Gal 1:13-24 ● Slm 139 ● Lc 10:38-42

Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan […]

Taglamig mararamdaman na —PAGASA

Ihanda na ang makakapal na jacket at iba pang kasuotang panlamig dahil papasok na ang taglamig sa bansa sa mga susunod na araw. Sinabi ni weather forecaster Samuel Duran ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na mapapalitan na ng northeast monsoon o hanging amihan ang umiiral pa ring southeast monsoon (habagat) na […]

Matatanda sa QC, libre bakuna vs pneumonia

Magbibigay ang pamahalaan ng Quezon City ng libreng bakuna laban sa pneumonia sa mahigit 8,000 senior citizen sa kaugnay sa pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng lungsod. Nanawagan si Quezon City Mayor Herbert M. Bautista sa matatanda ng lungsod na samantalahin ang pagpapabakuna laban sa naturang sakit na madalas ikamatay ng matatanda.

London riots

Oktubre 6, 1985 nang sumiklab ang serye ng rambulan sa Broadwater Farm Housing Estate sa Tottenham, North London sa United Kingdom. Sumiklab ang gulo kasunod ng pagkamatay ni Cynthia Jarrett, residente sa Tottenham na inatake sa puso makaraang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay.

Miyembro ng Army, iniisa-isa ng BIFF?

ISULAN, Sultan Kudarat – Sinisisi ng isang opisyal ng militar sa Maguindanao ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sunud-sunod na pamamaril sa ilang tauhan ng Philippine Army sa bayan ng Datu Piang. Nabatid na niratrat kamakailan ng dalawang hindi nakilalang armado sina PFC Rex Limpahan at PFC Edward Baes, kapwa ng 62nd Reconnaissance Company […]

Wanted, napatay sa engkuwentro

STA. ROSA CITY, Laguna – Isang lalaking pinaghahanap sa mga kaso ng ilegal na droga ang napatay sa engkuwentro sa mga pulis sa Barangay Pooc sa lungsod na ito noong Oktubre 3. Kinilala ni Supt. Pergentino Malabed, hepe ng Sta. Rosa City Police, ang napatay na si Ramiro Ramos, na hindi na umabot nang buhay […]

MAAGANG PAGRERETIRO

KUNG binabalak mo nang magretiro sa susunod na limang taon, dapat mo nang paghandaan ito ngayon pa lang; sapagkat walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari bago pa man sumapit ang ikalimang taon. Dalawang dahilan lamang kung bakit na magreretiro nang wala sa panahon: ang magkasakit ka o masibak ka sa trabaho. Ang pagkakaroon ng problema […]

Nagkasikuhan sa basketball, 2 ginulpi

TARLAC CITY – Bukod sa basketball, nagmistula ring boxing arena ang basketball court sa Sitio Dalang Matua sa Barangay Maliwalo sa lungsod na ito matapos magrambulan ang mga manlalaro noong Sabado ng hapon. Pinagtulungang bugbugin sina Alexander Pamintuan, 22; at Ariel Pamintuan, 21, kapwa residente ng Zone 4, Bgy. Maliwalo, Tarlac City.