Home » Entries posted by Balita Online (Page 4829)

I’m lonely –Ellen Adarna

DAPAT yatang isalang si Ellen Adarna sa problem solving portion ng Eat Bulaga dahil inamin na niya sa Aquino & Abunda Tonight na inom siya nang inom (as in laklak nang laklak, na siyempre alak at huwag nang magtanga-tangahan, ‘noh!).

Magpinsan na guro, dinukot ng Abu Sayyaf

Sa kabilang ng malawakang opensiba ng militar kontra sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu,  kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pag-kidnap sa dalawang guro sa may Barangay Moalboal, Talusan, Zamboanga Sibugay.

Roach, pinabulaanan na nagtalaga siya ng mga armadong security guard

Pinabulaanan ni Freddie Roach ang mga pahayag ng media kahapon na iniutos nito na magtalaga ng mga armadong guwardiya upang protektahan si Manny Pacquiao sa kanyang Hollywood gym. Sa ulat ng UK’s Daily Mail newspaper na personal umanong iniutos ni Roach na bantayan ng security guards ang kanyang Wildcard gym sa Los Angeles at magdala […]

P13-M lupain ni ex-AFP Chief Abadia, isinuko sa gobyerno

Bagamat P11-milyon halaga lang ng ari-arian ang hinahabol ng prosekusyon, boluntaryong isinuko ni retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Lisandro Abadia ang kanyang ari-arian na nagkakahalaga ng P13 milyon bilang kabayaran sa gobyerno matapos matalo sa isang forfeiture case. Sa kanyang manifestation sa Sandiganbayan Third Division, ipinaalam ng mga abogado […]

HONOR THE ELDERLY – POPE FRANCIS

Sa harap ng madla na binubuo ng 20,000 katao sa St. Peter’s Square sa Vatican noong Miyerkules, nangusap si Pope Francis tungkol sa pangangailangan na respetuhin ang matatanda. Maraming kultura ngayon ang nakatuon sa trabaho at kita, aniya, kung kaya nababalewala ang panawagan ng Biblia na igalang ang nakatatanda at katigan ang kanilang talino.

LVPI, nahaharap agad sa problema

Hindi pa man nagsisimula ang mga programa ng bagong tatag na Larong Volleyball sa Pilipinas, Incorporated (LVPI), kinakaharap na ng asosasyon ang malaking pagkakautang na hindi nabayaran ng dating namamahalang Philippine Volleyball Federation (PVF).

US ex-VP Mondale, naospital sa flu

MINNEAPOLIS (AP) – Naospital si dating US Vice President Walter Mondale dahil sa flu. Magbibigay sana ng introduksiyon si Mondale para sa dating presidente na si Jimmy Carter noong Biyernes sa taunang Nobel Peace Prize Forum.

Konserbatibo si Daniel –Karla Estrada

ISA si Karla Estrada sa mga mapapanood sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14, Sabado at 15, Linggo. Mahilig sumali sa singing contest si Karla tulad sa katatapos na season ng The Voice na hindi naman siya pumasa sa blind audition pero hindi iyon naging dahilan para huminto siya. Sabi nga, […]

Reklamo sa Ombudsman, walang basehan – Binay camp

Itinuring na walang basehan at katawa-tawa ang mga ebidensiya ng reklamong inihain sa Ombudsman laban kay Vice President Jejomar Binay, ayon kay Attorney Rico Quicho, tagapagsalita ng ikalawang pangulo sa usaping pulitikal.

Rep. Leni Robredo, bukas sa pagtakbo sa Senado

MAHIGIT dalawang taon na ang lumipas simula nang pumanaw ang asawang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, inamin ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo kay Winnie Monsod na hindi pa rin niya naaayos ang mga gamit ng mister sa loob ng kuwarto, lalo na ang isang pantalon at isang shorts na huli nitong […]