Home » Entries posted by Balita Online (Page 4828)

PHILIPPINES, 2014 ASIA-PACIFIC’S ‘DESTINATION OF THE YEAR’

Pagbati ang nakalaan sa industriya ng turismo ng Pilipinas dahil sa pagtagnnap nito ng papuri mula sa 25th Annual Travel Trade Gazette (TTG) Travel Awards, na tumukoy sa bansa bilang “Destination of the Year” ng taon ng Asia-Pacific, sa ilalim ng Outstanding Achievement Category. Tinanggap ng mga opisyial ng Department of Tourism (DOT), sa pangunguna […]

Syrian refugee, maaaring bumalik para lumaban

ANKARA (AFP)— Sinabi ng Turkey noong Miyerkules na tanging mga Syrian refugee ang pahihintulutan nilang tumawid sa kanilang hangganan para labanan ang mga jihadist para sa karamiha’y Kurdish na bayan ng Kobane sa Syria, isinantabi ang mga panawangan mula sa West na tuluyang buksan na ang tawiran. Sinabi ni Prime Minister Ahmet Davutoglu sa mamamahayag […]

Lolo, sinaksak ng nakasagutan

Isang 64-anyos na lolo ang nasugatan nang saksakin ng ‘di nakilalang suspek matapos na magtalo ang mga ito dahil lamang sa parking sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga. Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Carding Dimalanta, mayasawa, parking boy at barker ng Maria Payo Street, Tondo, sanhi ng saksak […]

Murray, mas magiging handa

Vienna (AFP)– Inamin ni Andy Murray noong Miyerkules na handa siya para sa lahat ng mga posibilidad habang mas papainit ang karera para sa huling spots sa World Tour Finals sa natitirang tatlong linggo ng season. “It (making the eight-man championships in London) is a goal for every player at the start of the year,” […]

Rape case ng stuntwoman vs Vhong, ibinasura

IBINASURA ng Quezon City Prosecutors’ Office ang kasong rape by sexual assault na isinampa noong Abril ng isang lesbian na stuntwoman na nakasama sa trabaho ni Vhong Navarro dahil sa kawalan ng probable cause. Sa limang-pahinang resolusyon, tinukoy ni Assistant City Prosecutor John Patrick Corpuz ang ilang dahilan kung bakit ibinasura ang reklamo ni Margarita […]

Dalin Liner, pinagmulta

Board (LTFRB) ang Dalin Liner matapos mahuling ilegal na bumibiyahe sa EDSA Balintawak noong Miyerkules. Sa ulat ng LTFRB, nang sitahin ang nasabing bus na may biyaheng Aparri-Manila, natuklasan na expired na ang certificate of public convenience (CPC) ng kumpanya nito at nadiskubre rin na pinalitan lamang ang plaka ng nahuling unit.

Ef 1:11-14 ● Slm 33 ● Lc 12:1-7

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari. Walang tinatakpan na hindi mabubunyag, walang natatago na hindi malalaman. Kaya naman ang sinabi n’yo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong n’yo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag. Sinasabi ko naman ito sa […]

Nash, ‘di nakasama sa pagsasanay

EL SEGUNDO, Calif. (AP)– Hindi pa rin nakasama sa kanyang ikalawang ensayo si Los Angeles Lakers guard Steve Nash makaraang ma-injure ang kanyang likod habang nagbubuhat ng mga bagahe. Sinabi ni coach Byron Scott na si Nash ay “had a little bit of a setback” noong Miyerkules habang buhat-buhat ang mga bag nito. Ani Scott, […]

Don’t be stupid —Rhian Ramos

SA set visit namin sa teleseryeng My Destiny ng GMA-7 sa Sto. Niño Church sa Southwoods, Biñan, Laguna — kinunan ang church wedding nina Carla Abellana at Sid Lucero — ay nakatstikahan namin sa gitna ng init at dami ng fans ang isa sa cast na si Rhian Ramos. Ngayong Friday na ipapalabas ang naturang […]

PAGASA: Taglamig na sa ‘Pinas

Naramdaman na kahapon ng madaling-araw ang malamig na simoy ng hangin sa bansa. Dahil dito, opisyal nang idineklara kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-uumpisa ng taglamig sa Pilipinas.