Home » Entries posted by Balita Online (Page 2)
60 bahay naabo sa kandila

60 bahay naabo sa kandila

Napabayaang kandila ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador sa sunog na tumupok sa 60 bahay sa isang residential area sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Peryahan sa Quiapo binomba: 13 sugatan

Labintatlong katao ang sugatan, dalawa sa mga ito ay kritikal, matapos umanong pasabugin ng riding-in-tandem, gamit ang isang homemade pipe bomb, ang isang peryahan sa Quezon Boulevard, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

KALABAW LANG ANG TUMATANDA

MAY kasabihan na “kalabaw lang ang tumatanda”. Ngayong panahon ng graduation, pinatunayan ito ng dalawang matanda na parehong “septuagenarian” na nakapagtapos ng kurso sa kolehiyo at sa high school. Sila ay sina Armando “Tatay” Albes, Sr., 78; at Salvacion “Sally” Nacario, 79. Si Albes ay nagtapos ng Political Science (Major in Local Gov’t Administration) sa University of Makati habang si Nacario ay nagtamo ng Junior High School Certificate sa Fort Bonifacio High School.

Gary V., wala pa ring kupas

Gary V., wala pa ring kupas

Muli niyang ipinakita ang kahusayan niya sa pagkanta at pagsayaw sa kabila ng pagiging golden boy, at 34 taon nang pananatili sa show business, sa thanksgiving party na ibinigay niya sa entertainment press sa Polari Hub last Wednesday.

PUV modernization larga na sa Mayo

Sisimulan na ng gobyerno sa Mayo ang programa nito para sa modernisasyon ng mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.

‘Ikaw Lang Ang Iibigin’ at ‘Showtime’, back-to-back sa Prime Tanghali

‘Ikaw Lang Ang Iibigin’ at ‘Showtime’, back-to-back sa Prime Tanghali

MAPUPUNO ng pag-ibig at saya ang bawat umaga ng mga manonood dahil sa back-to-back na pasabog ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin at ng It’s Showtime family sa PrimeTanghali simula bukas, Lunes (May 1).

Code of Conduct inaasam vs territorial dispute

Ito ang iginiit ng secretary general ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na si Le Luong Minh upang tuluyan nang matigil ang aniya’y “unilateral actions” ng alinmang bansa sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Huling araw ng voters’ registration ‘nilangaw’

Taliwas sa karaniwan nang eksena ng siksikan, iilan lang ang nagtungo sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, ang huling araw ng pagpaparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 23.

Ai Ai, nominadong best actress sa 50th Houston World Festival

TUWANG-TUWA si Ai Ai delas Alas nang matanggap ang balitang nominado siya for best actress sa 50th Houston World Festival para sa performance niya sa pelikulang Area. All caps ang post niya sa Instagram para ipaalam ang labis-labis na kaligayahan niya.

TORRE DE MANILA — NAGPASYA ANG KORTE SUPREMA BATAY SA UMIIRAL NA BATAS

PINAL nang nagpasya ang Korte Suprema sa usapin ng Torre de Manila condominium building sa Maynila dalawang taon makaraang maghain ng petisyon ang Order of the Knights of Rizal upang ipatigil ang konstruksiyon ng gusali at isulong ang pagpapagiba rito. Binawi rin ng hukuman ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas nito noong Hunyo 2015, kaya maaari nang magpatuloy ang pagkumpleto sa gusali.