Vice, gusto ng engine-powered scooter

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Ador V. Saluta

Simula nang magkaroon ng pandemya,nauso ang pagba-bike bukod pa sa motorsiklo para mapadali ang biyahe sa paroroonan.

Lalo na ngayong umiiral ang lockdown sa maraming lugar partkular na sa Metro Manila,, mahirap sumakay sa mga pampublikong sasakyan gaya nang pinaiiral na social distancing sa mga sasakyang jeep at bus. 

Kaya naman praktikal sa bawa’t mamamayang nagtatrabaho na mangarap magkaroon ng sariling bisekleta o motorsiklo.

Iba naman ang trip ng It’s Showtime host, Vice Ganda na binabalak magkaroon ng  isang engine-powered scooter.

Pero bago ito bilhin ni Vice, nagpaturo muna ang TV host-actor sa boyfriend na si Ion Perez on how to ride an electric scooter.

Sa kanyang pinakabagong vlog,kanyang ikinuwento kung paano siya nagpursigeng para matutong magpatakbo ng scooter.

Ani Vice, ang kanyang bf o”babe”  na si Ion daw ang nagsabi sa kanyang mag-aral munang magpatakbo ng scooter bago nito bilhin ang inaasam na  engine-powered scooter.  

Sabi ni Vice,,“Nakakabagets. Nakakasweet. Vespa-vespa ka. Sabi ni Ion, bago ako bumili, mag-aral daw muna ako kahit sa scooter lang. ‘Pag marunong daw ako mag-scooter, baka kerihin ko nang mag-Vespa. Eh hindi din nga ako marunong mag-scooter,” .sabay nitong tawa.