Road reblocking, umaarangkada

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

ni Bella Gamotea

Magsasagawa ng road reblcoking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang bahagi ng kalsada sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) ngayong Biyernes.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes,Abril 9, nang sinimulan ang pagkukumpuni at pagsasaayos sa kahabaan ng northbound EDSA Muñoz (harapan ng East West Bank & Floor Center, Shell, Goodyear, Shell Select & SkyMart).

Ang apektadong kalsada ay bubuksan sa mga motorista sa Lunes,Abril 12 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Kaugnay nito, pinapaalalahan ng MMDA ang mga motorista na isawan ang nasabing apektadong kalsa at gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon upang makaiwas sa trapik at abala