Truck driver, 3 helper huli sa ‘pot-session’

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Light A. Nolasco

Hindi nakalusot sa mga awtoridad ang  isang driver, at tatlo nitong kasamahang helper matapos matiyempuhan  na nagpa-pot-session’ sa nakaparadang truck sa gilid ng highway sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija makaraang magsagawa ng Oplan Sita ang pulisya nitong Lunes ng madaling-araw.

Huli sa akto sina Bryan, 36, driver, helper na sina Crispin, 31, ng Bgy. Calipahan, Mark, 20, at Dexter, ng Bgy.  Gomez, Sta. Rosa, NE habang nagsisibatak ng shabu sa loob ng truck na nakaparada, dakong 4:30 ng madaling-araw.

Sa ulat ni PLt.Col. Heryl L. Bruno, acting police chief ng TMPS kay  Mayor Nerivi Santos-Martinez, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Sita ang mga tauhan ni Lt.Col. Bruno nang maaktuhanang mga suspek sa loob ng sasakyan na nagpa-pot-seesion.

Isa-isang pinagdadampot ang mga ito na nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu, tatlong disposable lighters, toother, aluminum foil strip at gunting sa truck.

Kasong paglabag sa Section 5 at 12 ng Article 2, RA 9165 ang isinampa  laban sa mga nasakoteng suspek na nasa kostudiya na ng istasyon ng pulisya.