Pamilya ng curfew violator na nasawi desididong kasuhan ang PNP

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Fer Taboy

Desidido ang pamilya quarantine violator sa General Trias, Cavite na namatay matapos na sapilitang pinagawa ang 300 rounds ng pumping exercise.

Ayon kay Reichelyn Balce, naaresto ang live-in partner niyang si Darren Peñaredondo dahil sa paglabag sa curfew noong Abril 1.

Bibili lang sana ito ng tubig subalit inabutan ito ng curfew.

Kaya sinabihan ng mga pulis si Peñaredondo na gumawa ng pumping exercise ng 100 beses bilang parusa.

Dahil sa hindi sabay-sabay ang mga naarestong violators ay umabot pa sa 300 beses nila ito nagawa.

Nitong Sabado ay nanghina ang biktima kaya itinakbo sa pagamutan hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay.

Tiniyak ni General Trias Mayor Ony Ferrer na magsasagawa ito ng masusing imbestigasyon sa alegasyon ng pagpapahirap sa nasabing biktima na mayroon na palang sakit sa puso.

Handang tulungan aniya ng local government ng General Trias ang kaanak ng biktima.

Mariin namang pinabulaanan ni General Trias Police chief Police Lieutenant Colonel Marlo Solero na pinagawan nila ng pumping exercises ang mga naarestong violators.

Aniya na ang mga naaresto ay kanilang pinagagawan ng community services