Luis at Jessy, Pebrero pa kinasal

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nora V. Calderon

LAST year, December, 2020 nang magkaroon ng formal announcement ng engagement at prenuptial photo shoot ang mag-sweetheart na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Amanpulo Island in Palawan. Walang sinabi ang dalawa kung kailan naman magaganap ang wedding. Wala pa raw silang plano dahil nga kasalukuyang nagdadaan tayo sa COVID-19 pandemic.

Kaya maraming nagulat nang biglaang may mga posts na sa kanilang social media accounts sina Jessy at Luis last Easter Sunday evening, April 4. Married na pala sila sa isang civil rites noon pang February 21, 2021. Siyempre pa ay maraming nagulat, pero natuwa, dahil matagal na ngang itinatanong kung kailan naman ang kasal.

“Biglaan lang ang civil wedding because, honestly, nothing is certain, but we do not regret one single bit of our decision. Halos three weeks lang ang preparation namin.  Salamat sa organizer/coordinator and friend namin na si Joanne Angeles. Nagawa niyang lahat ang pag-aasikaso at pagmo-mount ng wedding.”

Ang Mayor ng Lipa City na si Eric B. Africa ang nagkasal kina Luis at Jessy, sa The Farm of San Benito. May 20 invited guests lamang ang naroon, iyon ang number of people na pwedeng dumalo sa isaang wedding ceremony ngayon. Nasa YouTube na ang said wedding ceremony.

Present ang daddy ni Luis na si Edu Manzano, ang mommy niyang si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto, kasama si Senator Ralph Recto at kapatid ni Luis na si Ryan Christian. Naroon din ang immediate family ni Jessy.

Parehong umiiyak, si Luis, habang hinihintay ang kanyang beautiful bride na mag-isang naglakad papalapit sa kanya, ganoon din si Jessy na kahit nakangiti ay umiiyak.

May plano pa rin silang wedding, hopefully, by December, na sana raw by that time, tapos na ang COVID-19 pandemic.