Holdaper na pumatay sa anak ng konsehal sa Iloilo, tinutugis pa rin

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Fer Taboy

Patuloy pa rin na tinutugis ng pulisya ang holdupper na bumaril at pumatay sa anak ng konsehal sa bayan ng Leganes, Iloilo kahapon.

Ang biktima ay si Carl Dominic Labuson, 19, residente ng Carimayor, Leganes, Iloilo at anak ni SB member Larry Labuson.
Sinabi ni Police Captain Shella Mae Sangrines, tagapagsalita ng Iloilo City Police Office(ICPO), na habang nasa gasoline station, nasaksihan ng biktima ang nangyaring hold up incident sa bayan ng Leganes, Iloilo.

Tinugis ni Labuso ang holdupper at nang nakorner niya ito sa Metropolis Avenue, Jaro, Iloilo City.

Hindi akalain ng  bikttima na armado ng baril ang suspek at pinaputukan  si Labuso.

Namatay noon din ang biktima makaraang pagbabarilin sa ulo at dibdib ng suspek na mabilis na tumakas.