Blackwater, umatras sa 3×3

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

HINDI na lalahok ang koponan ng Blackwater sa inaugural PBA 3×3 season.

Bunga ito ng ipinatutupad na cost-cutting measures ng kompanyang Ever Bilena dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ayon kay team owner Dioceldo Sy, lubhang naapektuhan ng  kasalukuyang health crisis ang sales ng Ever Bilena Cosmetics kaya nakapagdesisyon silang hindi na muna lumahok sa unang pagdaraos ng liga na target simulan ngayong taon.


“We begged off like Alaska. Cost-cutting,” pahayag ni Sy. “Badly hit tayo, mga make-up non-essential.”


Ang Bossing ang ikalawang PBA member team na hindi sasali sa 3×3 kasunod ng Alaska. Ibinigay naman na dahilan ng  Aces ang pag-iwas sa  conflicts dahil si Alaska governor Dickie Bachmann ang PBA 3×3 chairman.

Gayunman, 12  teams pa rin ang magtutunggali kung sakali na binubuo ng 10 pang member clubs ng liga at mga guest squads na Zamboanga Valientes at Master Sardines.

Posible pang umakyat ang bilang sa 15 teams dahil may tatlo pang mga teams na nagpahayag ng kanilang interes na lumahok. Marivic Awitan