Ai Ai delas Alas sa usaping pag-ibig

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Remy Umerez

ANG usaping pag-ibig ay isa sa mahirap na bagay na naranasan ni Ai- Ai delas Alas. Minsan sa kanyang buhay ay pumatol siya sa taong may asawa at naging “Cavite City,” or kabit. Naituwid ni Ai-Ai ang kanyang pagkakamali sa tulong ng dasal at payo mula sa kanyang spiritual confessor. Pinagnilayan ang paborito niyang Bible verse from Jeremiah that reads: “For I know the plans I have for you. Declares the LORD… Plans to prosper you and not harm you… Plans to give you hope and a future.” 

Sa katauhan ni Gerald Sibayan na mas higit na bata kay Ai-Ai natagpuan niya ang true love at happiness. Humingi sila ng counseling from Bishop Antonio Tobias, Diocese ng Novaliches. Ikinasal sila sa Christ The King noong Dec 12 2017. “I think gift ni LORD sa akin si Gerald ang wika ni Ai-Ai na nagbabalak magka-anak via surrogacy.”