4 na tulak timbog sa buy-bust ng QCPD sa Caloocan City

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

ni Jun Fabon

Timbog ang apat na tulak ng shaby na kumikilos sa Quezon City nang masamsaman nghigit P 300,00  halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City ng mga elemento ng QCPD, iniulat kahapon.

Base sa report ni QCPD Director PBGen. Danilo P. Macerin, ang mga arestadong suspek ay sina  Sherwin Soria, 41, ng North Diversion Road, Barangay 151, Bagong Barrio, Caloocan City; Jennifer Regis, 39, North Diversion Road, Bgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City; Isabel De Guzman, 29,  ng  Pajo St., Project 2, QC; at Eugene Del Rosario, 38, ng  Bernard Alley, Bgu. 151 Caloocan City.

Lumitaw sa ulat, pasado 6:00 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS4) sa hideout ng mga suspek sa No. 68 North Diversion Road, Bgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City.

Nasorpresa sa operasyon na pinamunuan ni PLt.Col. Richard Ian Ang ang apat na tulak.  

Nasamsam sa kanila ng mga pulis ang 50 gramo ng shabu na ang halaga ay P340,000, mga cellular phone at buy-bust money.

Ang apat na suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng PS4 makaraang sampahan sa QC Prosecutor Office ng kasong paglabag sa  RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.