Utah Jazz, gumawa ng kasaysayan sa NBA 3 pts.

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SALT LAKE CITY (AFP) — Lider na sa Western Conference, wala pa ring tigil ang Utah Jazz para itaas ang antas ng laro sa bawat laban.

Kumana si Donovan Mitchell ng puntos para pangunahan ang Jazz sa pagbuo ng NBA record sa 3-pointers sa 137-91 panalo laban sa short-handed Orlando Magic nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nahila ng Jazz ang franchise-best home winning streak sa 22 at ikasiyam na sunod sa kabuuan.

“This is one of those nights for us where we played really well, and we played the right way,” pahayag ni Jazz coach Quin Snyder. “We played a team that is going through a transition. That said, we were happy with the way we played and continue to emphasize our identity as a team,”

Naibuslo ng Jazz ang 18 3-pointers sa first half para sa panibagong kasaysayan sa NBA.

SIXERS 122, WOLVES 113

Sa Philadelphia, balik-laro si Joel Embiid at nagsalansan ng 24 puntos at walong rebounds sa panalo ng Sixers kontra Minnesota Timberwolves 122-113.

Nag-ambag si Ben Simmons ng 14 puntos, walong rebounds at anim na assists sa Philadelphia (34-15), at pantayan ang karta ng Brooklyn sa Eastern Conference.

Sa iba pang laro. Nagwagi ang Milwaukee Bucks kontra Sacramento Kings, 129-128; ginapi ng Portland Blazers sa Oklahoma City, 133-85; namayagpag ang Indiana Pacers sa San Antonio Spurs sa overtime, 139-133; nadomina ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 115-101; sinalanta ng New York Knicks ang Detroit Pistons, 125-81; at nanaig ang Dallas Mavericks sa Washington Wizards, 109-87.