Post-Easter realities: Unti-unting pagbangon, pagsisikap sa hinaharap

Filed under Editoryal Balita RSS RSS Feed

Ang Pasko ng Pagkabuhay sa taong ito ay nilupig ng matinding katotohanang dulot ng COVID-19. Ang pambihirang paglobo ay  nagdala sa NCR+ bubble area sa malaking impeksyon dahil sa mahigit 80 porsiyento ng bagong mga kaso.

Ang trauma na dulot ng paunang outbreak ng nakaraang taon ay naranasan naman: Masakit na islolation at confinement ng nagkakasakit at naghihingalo; mabilisang cremation at paglilibing sa mga binawian ng buhay.

Ang Pasko ng Pagkabuhay ay itinakda sa huling araw ng hard lockdown, kung saan nagkakaroon ng pag-asa ang mamamayan sa hinaraharap.

Marahil tumitingin sa panlabas ng East Asia and Pacific, naging mahinahon pa rin ang naging pag-iisip ng World Bank:

“The economic shock caused by the COVID-19 pandemic has stalled poverty reduction and increased inequality,” ayon kay Victoria Kwakwa, regional vice president.

“As countries begin to rebound in 2021, they will need to take urgent action to protect vulnerable populations and ensure a recovery which is inclusive, green and resilient,” pagpapatuloy pa nito. 

Sa kanyang mensahe sa idinaos na forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) nitong nakaraang Enero, sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na “nothing significant has changed” at inaasahan niya na ang nasabing usapin ay babangon sa kalagitnaan ng taon simula sa second quarter.”

Pagkatapos ng Linggo ng Pagkabangon, umaasang magkakaroon din ng pagbangon, gayunman, nakasalalay pa rin ito sa lawak ng epekto ng pandemyang nakokontrol nito.

Sa kanilang macroeconomic analysis, dapat paglaanan ng pansin ang matinding naging dulot ng pandemya. Mahigit sa pitong milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho sa loob ng unang tatlong buwan ng quarantine nitong nakaraang taon. Kahit na nawawan ang nasabing bilang, halos umabot pa rin sa apat na milyong nagtataguyod ng kanilang pamilya ang nawalan ng trabaho.

Nangangahulugan lamang na milyun-milyong pamilya ang nanganganib o magugutom; milyun-milyong bata ang posiblengf maging malnourish.

Kasabay ng pagharap ng mga batang Pinoy sa mahabang pagsasara ng mga paaralan ang pagtigil ng kanilang pag-unlad dulot na rin ng hindi masustansyang pagkain, paulit-ulit na impeksyon at walang sapat na psychosocial stimulation.

Dalawang daan ang inilatag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor  Benjamin Diokno upang makabangon: Una, mapondohan ang “priority expenditures” upang matulungang bumangon ang ekonomiya ” katulad ng pamumuhunan sa health, social services at infrastructure; at ikalawa, pagbibigay ng ayuda upang umagapay sa pagbangon ng micro, small and medium enterprises na tinawaga na “backbone of the economy”.

Pope Francis’ exhortation to the faithful a year ago rings true anew: “The Lord awakens so as to reawaken and revive our Easter faith. The Lord asks us from his cross to rediscover the life that awaits us, to look towards those who look to us, to strengthen, recognize and foster the grace that lives within us. Let us not quench the wavering flame that never falters, and

let us allow hope to be rekindled,” ang panghihikayat dati ni Pope Francis sa mga mananampalataya isang taon na ang nakararaan.