Malungkot na pamamaalam kay Claire dela Fuente

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

Nakalulungkot panoorin ang video ni Gregorio de Guzman o Gigo, anak ni Claire dela Fuente na inalala ang last hour ng kanyang ina. 

“Mom” lang ang caption ng video, pero nakakaiyak na. Nalungkot si Gio na hindi na niya nakausap ang ina nang tawagan niya dahil pagod daw itong magsalita.

Humingi ng dasal si Gigo para sa kanila ng kanyang kapatid at may binanggit na Rhianna na adopted ni Claire. Nagpasalamat din ito sa mga nakiramay at humingi ng dasal for his late mom.  Towards the end of the video, pinasalamatan nito ang ina sa pagmamahal na ibinigay sa kanya at sa kanyang kapatid.

 Sabi nito, “Ma, rest na. I’m gonna be okay, we’re gonna be okay. Kami na ang bahala rito.”