Lahat masaya sa baby news ni Alice Dixson

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

May hawak na coupon bond na may footprint ng dalawang paa ng bata ang pinost ni Alice Dixson na may caption na “Despite the unexpected  trials this year, God gave us a little miracle…

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year- my wish the same when I blew out my candles.

“So with great patience, belief and trust- I am happy to announce my wish has finally come true.

“Our newest little family member has arrived.

“From my family to yours

 “Advanced Happy Easter.”

Masaya ang mga kaibigan ni Alice sa masayang balita na masaya niyang na-share sa kanyang followers. Lalo na ‘yung mga kaibigan niyang alam na matagal na niyang gustong magka-baby.

Samantala, nadadalas ang pagpapalabas ng teaser ng GMA-7 ng Legal Wives na isa si Alice sa leading lady ni Dennis Trillo. Kung masusunod, sa May na ang world premiere ng cultural drama na marami na ang nag-aabang dahil sa kakaibang concept.