Hontiveros, balik PBA bilang asst. coach sa Phoenix

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

ni Marivic Awitan

BALIK Philippine Basketball Association (PBA) ang Cebuano hotshot na si   Dondon Hontiveros. Sa pagkakataong ito, bilang assistant coach ng Phoenix Super LPG.

Ang 43-anyos at Pilipinas Vismin Cup Ambassador ay huling naglaro sa PBA noong 2015 sa koponan ng Alaska. Kinuha siya ng Fuel Masters para maging shooting consultant at bahagi ng coaching staffs ni head coach Topex Robinson.

“He’s to focus on skills development and of course, shooting,” pahayag ni team manager Paolo Bugia.

Bago muling mag lockdown sa Metro Manila, dalawang linggo na ring nakatrabaho ng Fuel Masters ang 3-time PBA champion na si Hontiveros bago ito umuwi ng Cebu upang tupdin ang tungkulin bilang Konsehal ng Ikalawang Distrito.