Gerald, close na close na sa family ni Julia

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

Welcome na welcome na si Gerald Anderson sa pamilya ng GF niyang si Julia Barretto

Sa birthday ng brother ni Julia na si Leon Barretto, kasama si Gerald sa lunch ba o dinner sa mga Barretto.  Ang cute nga dahil hindi pa man tapos si Marjorie na banggitin ang food na in-order at handa nila sa birthday ni Leon, nauna nang kumain sina Julia at Marjorie.

Sabagay, hindi ‘yun ang first time ni Gerald with Julia’s family dahil sa birthday niya at birthday ni Julia, present din sina Marjorie at buong pamilya yata nito. Tuwang-tuwa ang shippers nina Julia at Gerald sa mga balitang ganito, mas nagigin close raw si Gerald sa pamilya ng kanyang girlfriend.

Ang hinahanap at tinatanong ng fans, bakit hindi pa binibisita nina Julia at Gerald ang ama ni Julia na si Dennis Padilla? Mula nang mag-public ang magdyowa ng kanilang relasyon, wala pang balita na nakipagkita sila sa  ama ni Julia.