Angeline Quinto, may Covid, naka-self isolate

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

Pati pala si Angeline Quinto nagka-Covid, pero hindi na siya naospital, sa  bahay lang siya nag-self isolate at nag-quarantine. 

Naka-post sa vlog niya ang resulta ng swab test niya kung saan, nakasulat na positive siya.

“I was very cautious. Pero siguro dahil na din po sa pagod, without knowing it naging pabaya ako protecting myself. I’ve been tested positive for Covid-19 and the only thing I can do is to pick-up myself and be very  careful not to infect other people, and then protect and heal myself. Let me share you the first 7 days of my fight against Covid 19,” sabi niya.

Kinuwento rin ni Angeli sa kanyag vlog na nahihirapan siya dahil hindi siya sanay na walang trabaho at nalulungkot na walang makalapit sa kanya.

Nabasa namin ang maraming messages kay Angeline ng kanyang mga kaibigan na nagwi-wish na gumaling agad siya.