27 barangay sa Iligan City, ni-lockdown

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Liezle Basa Inigo

Dahil sa dumaraming bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Ilagan City, Isabela, iniutos ni Mayor Josemarie Diaz na isailalim sa localize lockdown ang 27 barangay mula 12:00 ng tanghali ng Abril 1 hanggang 8:00 ng gabi ng Abril 10, 2021.

Ang Lungsod ng Ilagan ay mayroong 26 aktibong kaso na may CV code, at 119 aktibong kaso na walang CV code, at naapektuhan ang kabuuang 27 na mga barangay.

Ang City Inter Agency Task Force ay magpapatupad kaagad ng  istriktong 

 perimeter control sa mga natukoy na lugar at  magpataw ng screening procedures sa lahat ng points of entry para sa lahat ng indibidwal.