Vin at Sophie doble ang gender reveal for safety

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

BABY girl ang first baby ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert at nalaman ang gender ng kanilang baby sa dalawang separate gender reveal na naganap noon pang November 20 at noong February 28 lang nila in-upload sa joint YouTube channel nila.

Sabi nina Vin at Sophie sa kanilang vlog, gusto sana nilang magkasama ang kanilang pamilya, pero dahil sa pagsunod sa safety protocols, nag-decide silang magkaroon ng hiwalay na gender reveal.

Sabi nina Vin at Sophie, masaya silang ibinabahagi ang gender reveal celebration nila.

“As much as we would have all wanted to be together, we had 2 separate get togethers for the Reyes (pamilya ni Sophie) and the Abrenica to keep everyone safe.

“Very different celebrations but both equally fun! Sharing with you special moments without families.”